KAPAG ANG TAO'Y NAMATAY, ANO ANG KASUNOD?
Tayo'y
napapauklo kapag ang isang bata ay ay unang nagtanong, "Ano ang
ibig sabihin ng mamatay?" Tayo'y nanliliit sa pag-uusap o pag-iisip
tungkol sa isang iniibig natin na namamatay. Ang kamatayan ay karaniwang
kaaway ng tao sanman.
Ano ang mga kasagutan sa mahirap na mga katanungan tungkol sa kamatayan?
Mayroon bang buhay pagkatapos ng kamatayan? Makikita pa ba natin ang
nangamatay nating mga minamahal?
1.
HINAHARAP ANG KAMATAYAN NANG WALANG TAKOT
Lahat
tayo sa mga tiyak na sandali, marahil pagkatapos na mamatay ang isang
kaibigan o isang minamahal, ay nadama yaong pagiging hungkag ng ating
mga tiyan, yaong malungkot na damdamin na bumabalaot sa atin, samaantalang
sinusulyapan natin ang katapusan ng buhay.
Sa
isang bagay na totoong mahalaga, na siksik ng damdamin, saan natin malalaman
ang katotohanan tungkol sa mangyayari kapag tayo'y namatay? Sa kabutihang
palad, bahagi ng misyon ni Kristo sa lupa ay "palayain yaong mga
buong buhay na alipin ng kanilang takot sa kamatayan" (Hebreo 2:15).
At sa Biblia, si Jesus ay naghaharap ng pabalitang nakaaliw, at malinaw
na sinasagot ang lahat ng mga katanungan tungkol sa kamatayan at isang
buhay sa hinaharap.
2.
PAPAANO TAYONG GINAWA NG DIOS
Upang
maunawaan mula sa Biblia ang tunay na katotohanan tungkol sa kamatayan,
pasimulan natin sa simula at tingnan natin kung papaano tayong ginawa
ni Kristo.
"At nilalang ng PANGINOONG Dios ang tao
(Adan, sa Hebreo} mula sa ALABOK NG LUPA (adamah sa Hebreo) at hiningahan
ang mga butas ng kanyang ilong NG HININGA NG BUHAY, at ang tao ay naging
BUHAY NA KALULUWA." Genesis 2:7.
Sa
Paglalang inanyuan ng Dios si Adan mula sa "alabok ng lupa."
Mayroon siyang utak sa kanyang ulo na handang mag-isip; dugo sa kanyang
mga ugat na handang dumaloy. Pagkatapos ay hiningahan ng Dios ang kanyang
ilong ng "hininga ng buhay," at si Adan ay naging "isang
buhay na tao" (sa Hebreo ay "buhay na kaluluwa"). Pansining
maingat, hindi sinasabi ng Biblia na si Adan ay tumanggap ng kaluluwa;
sa halip sinasabi nito na "ang tao ay naging isang buhay na kaluluwa."
Sa paghinga ng Dios kay Adan, ang buhay ay nagpasimulang dumaloy mula
sa Dios. Sa kombinasyon ng katawan at "ang hininga ng buhay"
si Adan ay naging "isang buhay na tao," "isang buhay
na kaluluwa." Kaya maaari nating isulat nang ganito ang pagkalikha
ng tao:
"Alabok
ng Lupa" + "Hinginga ng Buhay" = "Isang Buhay na
Kaluluwa"
Walang Buhay na Katawan + Hininga Mula sa Dios = Isang Buhay na Tao.
Ang bawat isa sa atin ay may isang katawan at isang nangangatwirang
isipan. Habang tayo'y nagpapatuloy na huminga, tayo'y magiging isang
buhay na tao, isang buhay na kaluluwa.
3.
ANONG NANGYAYARI KAPAG ANG ISANG TAO AY NAMATAY
Sa
kamatayan ang kabaliktaran ng paraan ng paglalang na inilalarawan sa
Genesis 2:7 ang nagaganap:
"At ang ALABOK ay bumalik sa lupa na gaya
ng una, at ang ESPIRITU (HININGA NG BUHAY) ay bumabalik sa Dios na nagbigay
nito. " Eclesiastes 12:7.
Ang Biblia ay madalas na ginagamit ang mga salitang Hebreo para sa "hininga"
at "espiritu" na palitpalitan. Kapag ang mga tao ay namatay,
ang kanilang katawan ay nagiging "alabok" at ang "espiritu"
("ang hininga ng buhay") ay nagbabalik sa Dios, ang pinagmulan
ni ito. Ngunit anong nangyayari sa kaluluwa?
"Habang buhay ako, sabi ng PANGINOON,
. . . lahat ng BUHAY NA KALULUWA ay akin . . .ANG KALULUWANG NAGKAKASALA
AY MAMAMATAY." Ezekiel 18:3, 4.
Ang
kaluluwa ay namamatay! Hindi ito ngayon buhay-ito'y maaaring masawi.
Ang paraan na nangyari sa Genesis 2:7, nang tayo'y lalangin ng Dios,
ay kabaligtaran nang nangyayari sa kamatayan.
"Alabok ng Lupa" - "Hininga ng Buhay" = "Isang
Patay na Kaluluwa"
Walang Buhay na Katawan - Hininga mula sa Dios = Isang Patay na Tao
Ang kamatayan ay ang pagtigil ng buhay. Ang katawan ay nagkakadurog-durog
sa alabok, at ang hininga , o espiritu, ay bumabalik sa Dios. Tayo'y
mga buhay na kaluluwa sa buhay, ngunit sa kamatayan ay bangkay na lamang,
isang patay na kaluluwa, patay na tao. Kaya ang mga patay ay walang
malay. Kapag kinuhang muli ng Dios ang hininga ng buhay na Kanyang ibinigay
sa atin, ang ating kaluluwa ay namamatay. Ngunit sa ating makikita sa
huli ng leksyong ito, kay Kristo ay mayroon tayong pag-asa.
4.
GAANO KARAMI ANG NALALAMAN NG ISANG PATAY NA TAO?
Pagkamatay
ang utak ay natutunaw; hindi na makakaalam o makakaalaala ng anuman.
Lahat ng damdamin ng tao ay nagwawakas sa kamatayan.
"Ang kanilang pag-ibig, pagkapoot, at
ang pagkainggit ay nawala na, . . ." Eclesiastes 9:6.
Ang
mga patay ay walang malay kaya hindi nila nalalaman ang anumang nagaganap.
Sila'y walang anupamang pakikipagugnay sa mga nabubuhay:
"Sapagkat nalalaman ng buhay na sila'y
mamamatay, ngunit HINDI NALALAMAN NG MGA PATAY ANG ANUMANG BAGAY."
Eclesiastes 9:5.
Ang
kamatayan ay katulad ng tulog walang-pangarap-54 na ulit itong tinatawag
ng Biblia na pagtulog. Ito ang itinuro ng na Panginoon nang Kanyang
sabihin sa Kanyang mga alagad:.
"'Si
Lazaro na ating kaibigan ay NATUTULOG, ngunit Ako'y pupunta roon upang
gisingin siya.' Sinabi ng mga alagad sa Kanya, 'Panginoon kung siya'y
natutulog siya'y gagaling.' Subalit ang sinasabi ni Jesus ay tungkol
sa pagkamatay ni Lazaro, subalit inaakala nila na ang tinutukoy niya
ay ang karaniwang pagtulog. Kaya't pagkatapos ay maliwanag na SINABI
SA KANILA NI Jesus, 'NAMATAY SI LAZARO.'" Juan 11:11-14.
Si
Lazaro ay apat na araw nang patay bago dumating si Jesus. Ngunit nang
si Jesus ay magtungo sa kanyang libingan, Kanyang pinatunayan na napakadali
para sa Dios na ibangon ang patay tulad nang ating paggising sa natutulog
nating kasama.
Napakalaking kaaliwan na malaman na ang ating namatay na mahal sa buhay
ay "natutulog," na nagpapahingang mapayapa kay Jesus. Ang
lagusan ng kamatayan, na balang-araw ay daraanan din natin, ay katulad
ng matahimik, mapayapang pagtulog.
5.
NALILIMUTAN BA NG DIOS YAONG MGA NATUTULOG SA KAMATAYAN?
Ang
tulog ng kamatayan ay hindi siyang katapusan ng kasaysayan. Sa libingan,
sinabi ni Jesus kay Martha, ang kapatid na babae ni Lazaro:
"AKO ANG MULING PAGKABUHAY at ang buhay.
ANG SUMAMPALATAYA SA AKIN bagaman't siya'y mamatay ay MABUBUHAY SIYA."
Juan 11:25.
Yaong mga namatay "kay Kristo" ay natutulog sa libingan-ngunit
sila ay mayroon pang maliwanag na kinabukasan. Ang Bumibilang ng bawat
buhok sa ating mga ulo at humahawak sa atin sa palad ng Kanyang mga
kamay ay hindi tayo malilimutan. Maaaring tayo'y mamatay at muling bumalik
sa alabok, ngunit ang tala ng ating katauhan ay nananatiling maliwanag
sa isip ng Dios. At sa pagdating ni Jesus, Kanyang gigisingin ang ang
mga banal na patay mula sa kanilang pagkakatulog, kagaya ng Kanyang
ginawa kay Lazaro.
"Mga
kapatid, nais naming malaman ninyo ang tungkol SA MGA NATUTULOG, UPANG
KAYO'Y HUWAG MALUNGKOT, NA GAYA NG IBA NA WALANG PAG-ASA. . . Sapagkat
ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw, may tinig
ng arkanghel at may trumpeta ng Dios, at ANG MGA NAMATAY KAY KRISTO
AY BABANGON MUNA. Pagkatapos, TAYONG NABUBUHAY na natitira AY AAGAWING
KASAMA NILA sa mga ulap, upang salubungin ang Panginoon sa papawirin.
At sa gayon ay makakapiling natin ang Panginoon magpakailanman. KAYAT
MAGALIWAN KAYO SA ISA'T ISA NG MGA SALITANG ITO." 1 Tesalonica
4:13, 16-18.
Sa araw ng pagkabuhay na mag-uli, ang lagusan ng kamatayan ay magiging
waring kagaya ng maikling pamamahinga. Ang mga patay ay walang kamalayan
sa paglipas ng panahon. Yaong mga tumanggap kay Kristo na kanilang sariling
Tagapagligtas, ay gigisingin mula sa kanilang pagkakatulog sa pamamagitan
ng Kanyang kahangahangang tinig na bumababa sa lupa.
Ang pag-asa ng pagkabuhay na mag-uli ay mayroong isang kasama: ang pag-asa
ng isang makalangit na tahanan na kung saan "papahirin ng Dios
ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan o pagdadalamhati
o pananambitan o sakit" (Apokalipsis 21:4). Yaong mga umiibig sa
Dios ay hindi dapat matakot sa kamatayan. Sa kabila nito'y naroon ang
walang hanggang katuparan ng buhay na kasama ng Dios. Hawak ni Jesus
ang "mga susi ng kamatayan" (Apokalipsis 1:18). Kung wala
si Kristo, ang kamatayan ay isang patunguhang daang nagtatapos sa pagkalimot,
ngunit kay Kristo ay may maliwanag at maningning na pag-asa.
6.
TAYO BA'Y WALA NANG KAMATAYAN NGAYON?
Sina
Adan at Eba ay linalang ng Dios na may kamatayan. Ngunit kung sila'y
naging masunurin sa kalooban ng Dios hindi sila kailan man mamamatay.
Nang sila'y magkasala, kanilang isinuko ang kanilang karapatan sa buhay.
Sa pamamagitan ng pagsuway sila'y nasaklaw ng kamatayan. Ang kanilang
kasalanan ay nahawahan ang buong sangkatauhan, at yamang ang lahat ay
nagkasala, tayong lahat ay nagkaroon ng kamatayan. (Roma 5:12). At walang
anupamang pahiwatig sa Biblia na, sa kamatayan, ang kaluluwa ay maaaring
mabuhay na isang may malay na katauhan.
Ang Biblia ni minsan ay hindi nagpaliwanag na ngayon ang kaluluwa ay
walang kamatayan-na hindi saklaw ng kamatayan.. Ang Hebreo at Griegong
salita para sa "kaluluwa," "espiritu" at "hininga"
ay inuulit nang 1,700 ulit sa Biblia. Ngunit ni minsan man ay hindi
nabanggit na ang kaluluwa , espiritu o hininga ay walang kamatayan.
Ngayon ang Dios lamang ang walang kamatayan.
"Ang Dios . . .Siya lamang ang walang kamatayan." 1 Timoteo
6:15,16.
Maliwanag sa Kasulatan na ang tao sa buhay na ito ay may kamatayan:
saklaw ng kamatayan. Ngunit sa pagbabalik ni Jesus, ang ating likas
ay mapapasa-ilalim ng isang sukdulang pagbabago.
"Makinig kayo, sasabihin ko sa inyo ang isang hiwaga: HINDI TAYONG
LAHAY AY MAMAMATAY, ngunit TAYONG LAHAT AY BABAGUHIN-sa isang saglit,
sa isang kisap-mata, SA HULING PAGTUNOG NG TRUMPETA. Sapagkat ang trumpeta
ay tutunog, AT ANG MGA PATAY AY AY MABUBUHAY na walang pagkasira, AT
TAYO'Y BABAGUHIN. Sapagkat itong may pagkasira ay magbihis ng walang
pagkasira at ITONG MAY KAMATAYAN AY MAGBIHIS NG WALANG KAMATAYAN."
1 Corinro 15:51-53.
Bilang mga tao, tayo ngayon ay mayroon pang kamatayan. Ngunit ang katiyakan
ng Kristiyano ay: mawawalan tayo ng kamatayan pagdating ni Jesus sa
ikalawang pagkakataon. Ang katiyakan ng pangako ng kawalang-kamatayan
ay ipinakita nang si Jesus ay biglang nagbukas at lumabas ng libingan
at:
"NAG-ALIS NG KAMATAYAN at . . . NAGDALA
SA BUHAY AT SA KAWALAN NG KAMATAYAN TUNGO SA LIWANAG sa pamamagitan
ng ebanghelyo." 2 Timoteo 1:10.
Ang
pananaw ng Dios sa kapalaran ng tao ay maliwanag: walang hanggang kamatayan
para sa nagtatakwil kay Kristo at nakakapit sa kanilang mga kasalanan,
o walang hanggang buhay bilang kaloob sa pagdating ni Jesus para roon
sa mga nagsitanggap sa Kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas.
7.
HINAHARAP ANG KAMATAYAN NG ISANG MAHAL SA BUHAY
Ang
takot na likas nating nilalabanan sa harap ng kamatayan ay nagiging
tanging malubha kapag ang mahal sa buhay ay namamatay. Ang kalungkutan
at pandama ng kawalan ay nagdudulot ng lubos na pagdadalamhati. Ang
tanging lunas sa kapighatian na dulot ng pagkahiwalay sa mahal sa buhay
ay ang kaaliwan na si Kristo lamang ang makapagbibigay. Alalahaning
ang iyong mahal sa buhay ay natutulog, at ang iyong mahal sa buhay na
nagpahinga kay Jesus ay babangon sa "pagkabuhay na mag-uli ng buhay"
sa pagdating ni Jesus.
Ang Dios ay nagpapanukala ng isang kahangahangang pagtatagpong-muli.
Ang mga bata ay ibabalik sa kanilang galak na galak na mga magulang.
Ang mga asawang lalaki at asawang babae ay matutunaw sa bisig ng isa't
isa. Ang malupit na paghihiwalay sa buhay ay matatapos na. "Ang
kamatayan ay nilamon ng pagtatagumpay" (1 Korinto 15:54).
Ang ilan ay nakadaramang ang pagkahiwalay sa mahal sa buhay ay totong
mahapdi na sinisikap nilang makipagugnay sa sa pamamagitan ng pamamaraan
ng isang espiritista o isang New Age Channeler. Ngunit ang Biblia ay
tuwirang nagbababala sa atin laban sa pagsubok na pagaanin ang hapdi
ng kamatayan sa pamamagitan nito:
"At kapag kanilang sinabi sa inyo, "Sumangguni
kayo sa mga multo at masasamang espiritu na humuhuni at bumubulong."
Hindi ba dapat sumangguni ang bayan sa kanilang Dios, Bakit sasanguni
sa mga patay alangalang sa mga buhay?" Isaias 8:19.
Bakit nga ba? Maliwanag na inihahayag ng Biblia na ang mga patay ay
walang malay. Ang tunay na lunas sa ganitong kalungkutan ay si Kristo
lamang ang makakapagbigay. Ang panahon ng pakikipag-ugnay kay Kristo
ay siyang pinaka-malusog na paraan ng paglago samantalang nagdadalamhati.
Alalahaning palagi, na ang kasunod na may malay na sapantahang darating
sa mga natutulog kay Kristo ay ang mga tunog ng ikalawang pagdating
ni Kristo upang gisingin ang mga patay!
8.
WALANG TAKOT NA HINAHARAP ANG KAMATAYAN
Halos
lahat ay ninanakaw sa atin ng kamatayan. Ngunit ang isang bagay na hindi
niya makukuha sa atin ay si Kristo, at si Kristo ay maaring ibalik ang
lahat ng bagay na magkakasamang muli. Ang kamatayan ay hindi palaging
maghahari sa sanlibutang ito. Ang Diyablo, ang makasalanan, kamatayan,
at libingan at mapapahamak sa "lawa ng apoy" na siyang "ikalawang
kamatayan" (Apokalipsis 20:4).
Narito ang apat na payak na mungkahi sa pagharap sa kamatayan na hindi
natatakot:
(1) Mabuhay ng isang buhay ng pagtitiwala kay Kristo, at ikaw ay magiging
handa para sa kamatayan sa anumang sandali.
(2)
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, maging masunurin
sa mga utos ni Kristo, at ikaw ay magiging handa para sa ikalawang buhay
na kung saan ay hindi ka na kailanman mamamatay.
(3)
Isipin na ang kamatayan ay isang maikling pagtulog na doon ka gigisingin
ng tinig ni Jesus sa pagdating Niya sa ikalawa.
(4)
Pagyamanin ang katiyakan na bibigyan tayo ni Jesus ng isang tahanan
sa langit na kasama Siya sa buong walang hanggan.
Ang katotohanan ng Biblia ay pinalalaya ang tao mula sa takot ng kamatayan
dahil ito'y inihahayag si Jesus, ang Isa na hindi kayang lupigin kahit
ng kamatayan. Kapag si Jesus ay dumating sa ating buhay, pinababaha
Niya ang ating puso ng kapayapaan:
"Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo; ang
aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. . . . Huwag mabagabag ang
inyong puso, o matakot man." Juan 14:27.
Ginawa rin ni Jesus ang paraan upang ating kayahin ang anumang kapighatian
na dulot ng trahedya ng pagkawala ng isang minamahal sa buhay. Si Jesus
ay lumakad sa "libis ng lilim ng kamatayan"; nalalaman Niya
ang madidilim na gabing ating binabagtas.
"Kaya yamang ang mga anak ay nakibahagi sa laman at dugo, at siya
man ay nakibahagi rin sa mga bagay na ito, upang SA PAMAMAGITAN NG KANYANG
KAMATAYAN ay kanyang mapuksa ang may kapangyarihan sa kamatayan, sa
makatuwid ay ang diyablo-at MAPALAYA SILANG LAHAT NA DAHIL SA TAKOT
SA KAMATAYAN SA BUONG BUHAY NILA AY NASA ILALIM NG PAGKAALIPIN."
Hebreo 2:14, 15.
Si
Dr. James Simpson, ang dakilang manggagamot na nakapagpaunlad ng pangpangimi
[anesthesia], ay nakaranas ng kakilakilabot na kawalan nang ang kanyang
panganay na anak ay namatay. Siya'y lubhang nalumbay gaya ng sinumang
magulang. Ngunit siya'y nakasumpong ng daan sa pag-asa. Sa libingan
ng kanyang minamahal na anak ay nagtayo siya ng palatandaan at doon
ay kanyang iniukit ang mga salitang ito na sinabi ni Jesus tungkol sa
Kanyang pagkabuhay na mag-uli: "Gayon ma'y nabubuhay ako."
Nagsasabi iyon ng lahat. Ang personal na kabagabagan kung minsan ay
waring pinapawi ang kalangitan; gayon man si Jesus ay nabubuhay! Ang
ating puso ay maaring nawawasak; gayon ma'y, nabubuhay si Jesus!
Kay Kristo ay mayroon tayong pag-asa ng buhay pagkatapos ng kamatayan.
Siya ang "pagkabuhay na mag-uli at ang buhay" (Juan 11:25),
at Kanyang ipinangangako, "Sapagkat Ako'y nabubuhay, ay mabubuhay
rin kayo" (Juang 14:19). Si Kristo lamang ang tangi nating pag-asa
ng buhay pagkatapos ng kamatayan. At kapag si Kristo'y muling dumating
ay bibigyan Niya tayo ng buhay na walang hanggan. Hindi na tayo kailan
man muling mabubuhay sa lilim ng kamatayan, sapagkat tayo'y may buhay
na walang hanggan. Natuklasan mo na ba ang dakilang pag-asang ito na
maaari nating pagyamanin sa ating pinakamadilim na mga sandali? Kung
hindi mo pa kailanman natatanggap si Jesus bilang iyong Panginoon at
Tagapagligtas, gagawin mo ba ito ngayon din?
©
2003 The Voice of Prophecy Radio Broadcast
Los Angeles, California, U.S.A.