PAGPASOK SA BUHAY KRISTIYANO Narito ang isang nakakasabik na liham mula sa isa naming kinatawan ng Paaralan ng Biblia sa Africa: "Limang taon ang nakalipas ako ay tumanggap ng kahilingan mula sa Voice of Prophecy na dalawin ang isang bilanggong magaaral ng Biblia. Inihain ko ang kahilingan sa pamunuan ng bilangguan na nagbigay naman ng pahintulot. Sapagkat ang magaaral ay mahigpit ang pagnanais na magaral ng Biblia, kaya panay ang dalaw ko sa kanya. "Pagkaraan ng halos anim na buwan mula nang una ko siyang dalawin, ninais na niyang magpabinyag at umanib sa iglesya. Ang pamunuan ng bilangguan ay pumayag na maglaan ng mga kailangan upang ang pagbibinyag ay isagawa sa bilangguan. Ang mga tanod ng bilangguan at mga ibang bilanggo ay nagtipon upang saksihan ang isa sa pinaka- nakakakilos na binyagang ginawa ko kailanman. "Hindi nagtagal pagkatapos nito, ang ating kapatid ay pinalaya na, bagaman mayroon pa siyang ilang panahon na dapat pagsilbihan. Nang tanungin ko kung bakit, ay sinabi niya sa akin na ang kanyang buhay ay lubusang nagbago, at siya ay naging lubos na saksi para sa kanyang Tagapagligtas at sa kanyang relihiyon na anupa't hindi na siya iniisip na isang bilanggo o itinuturing na gayon. Siya ay nagbalik sa kanyang pamilya at ngayon ay isang lider sa isa nating malaking konggregasyon." 1. ANO ANG KAHULUGAN NG BINYAG? Nang ang bilanggoay naging Kristiyano at ang kanyang buhay ay lubusang nabago, bakit mahalaga para sa kanya na mabinyagan? Sa pakikipagusap kay Nicodemus, ang lider ng komunidad na nakipagkita kay Jesus sa gabi, ay niliwanag ni Jesus ang kahalagahan at kahulugan ng binyag: "Walang sinoman ang makakakita ng kaharian ng Dios malibang siya ay muling ipanganak . . . malibang siya ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu" Juan 3:3, 5. Kaya ayon kay Jesus kailangan nating ipanganak "ng tubig at ng Espiritu." Ang "ipanganak ng Espiritu" ay nangangahulugan ng pagpasok sa isang bagong buhay sa pamamagitan ng pagbabago ng puso at isipan. Sapagkat ang pagpasok sa kaharian ng Dios ay kasangkot ang lubos na bagong uri ng pamumuhay, hindi lamang ng matandang buhay na inayos; ito ang tinatawag na bagong pagkapanganak. Ang binyag ng tubig ay panlabas na larawan ng ganitong panloob na pagbabago. Bininyagan ng aming kinatawan ang bilanggo bilang pagkilala ng kanyang pagtatalaga kay Kristo at bilang simbolo ng pagbabagong sinimulan sa kanyang buhay ng Espiritu Santo. 2. BAKIT KAILANGAN AKONG BINYAGAN? Ang ating kaligtasan ay umiikot sa tatlong dakilang ginawa ni Kristo: "Si Kristo ay NAMATAY para sa ating mga kalasanan, ayon sa mga Kasulatan, . . . SIYA'Y INILIBING, . . . SIYA'Y MULING BINUHAY nang ikatlong araw ayon sa mga Kasulatan" I Korinto 15:3, 4. Ginawa ni Kristo ang pagliligtas sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, paglilibing, at pagkabuhay na mag-uli. "Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabautismuhan kay Kristo Jesus ay mga NABAUTISMUHAN SA KANYANG KAMATAYAN? Kaya't tayo ay INILIBING NA KASAMA NIYA SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO sa kamatayan na, kung PAANONG SI KRISTO AY MULING NABUHAY MULA SA MGA PATAY sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, GAYUNDIN NAMAN TAYO'Y MAKAKALAKAD SA PANIBAGONG BUHAY" Mga Taga-Roma 6:3, 4. Si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, inilibing, bumangong muli sa libingan upang bigyan tayo ng bagong buhay ng katwriran. Sa pakabinyag ay nakikilahok tayo sa kamatayan, libing, at pagkabuhay na muli ni Jesus. Ang binyag ay nangangahulugan na tayo ay namatay sa kasalanan na kasama ni Kristo, inilibing ang matandang buhay ng kasalanan na kasama si Kristo, at tayo ay bumangon upang tayo ay "mabuhay ng isang bagong buhay" kay Kristo. Ang Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli ay nagiging atin. Magagawa ng Dios na tayo'y patay sa kasalanan, na tila ipinako sa krus. Magagawa Niya tayong buhay sa mga bagay ng Espiritu, na tila muli tayong nabuhay sa mga patay. Ang bautismo ay maliwanag na kumakatawan sa mga hakbang ng pagbabalik-loob. Una, inilubog tayong lubos sa tubig, tulad ng mga taong inilibing at lubusang natakpan. Na ang ibig sabihin ay kusa tayong namatay na kasama ni Kristo at inilibing ang ating matandang buhay. Ang binyag ay isang libing, pormal na pamamaalam sa buhay na pinangingibabawan ng kasalanan. Pagkatapos, ay itataas tayo mula sa tubig, na tulad ng isang bumabangon sa libingan, na sinasabing tayo ay isang "bagong nilalang" na lubusang ibinigay sa "bagong buhay" na kaloob ng Dios sa atin. Tanging ang paglulubog lamang ang ganap na makapagpapakita ng tunay na kahulugan ng binyag - kamatayan, libing at muling pagsilang. Ang binyag sa pamamagitan ng "wisik" ay hindi sapat na larawan ng bagong pagsilang. Ano ang tunay na ibig sabihin ng mamatay na kasama si Kristo? "Nalalaman natin na ang ating dating pagkatao ay kasama niyang ipinako sa krus, upang ang katawang makasalanan ay mawalan ng bisa, upang tayo ay hindi na mga alipin ng kasalanan" Mga Taga-Roma 6:6. Ang
binyag ay kinakatawanan sa labas ang panloob na dapat gawin ng tao -
isuko ang lahat kay Kristo. Kung mayroon tayong anumang pinipigil mula
sa Dios, ang ganoon ay tila pinanatili tayong "mga alipin ng kasalanan."
Kapag isinuko natin ang lahat kay Kristo, ang ating mga makasalanang
pagnanais ay "mawawalan ng kapangyarihan" at ang ating pagbabago
ay magsisimula. "Ako'y napakong kasama ni Kristo at hindi na ako ang nabubuhay kundi SI KRISTO ANG NABUBUHAY SA AKIN. Ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay IKINABUBUHAY KO SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAY SA ANAK NG DIOS, na sa akin ay nagmahal at ibinigay ang kanyang sarili dahil sa akin" Galacia 2:20. Kapag itinuturing ko ang aking sarili na kasamang napako ni Kristo, sa pamamagitan ng binyag, ay inaanyayahan ko ang isang makapangyarihang lakas sa aking buhay - "si Kristo ang nabubuhay sa akin." Upang mapasa-kamay ni Kristo nang lubusan ang iyong buhay, una, tumingin ka kay Kristo na namamatay sa krus. Huwag kang titingin sa kasalanang nagbabanta sa iyo, huwag mong pansinin ang iyong nakaraan at tumaghoy: tumingin ka kay Jesus. Nakikita ang mabiyayang kamatayan ni Kristo sa Kalbaryo, ay maipapahayag mo ang iyong pakikiisa sa Kanya: "Sa kapangyarihan ng krus ay inaangkin ko na ako ay patay sa mga matandang kaugalian at tumutugon sa Dios. Tumatayo akong kasama ni Kristo. Mula ngayon ay "mabubuhay ako sa pananampalataya sa Anak ng Dios na umibig sa akin at ibinigay ang kanyang buhay dahil sa akin." Sa ating paugnay sa kapangyarihan ng kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Kristo makikita natin nang higit at higit ang Kanyang mabubuting katangian na pinapalitan an gating mga matandang paguugali: "Kaya kung sinoman ay na KAY KRISTO, siya ay BAGONG NILALANG; ang mga LUMANG bagay ay lumipas na, ANG BAGO ay dumating!" II Korinto 5:17. Sa binyag ay ating inihahayag ang ating pagnanais na makasama ni Jesus at mabuhay ng isang bago at higit na mabuting buhay "kay Kristo." Ginagawa ni Jesus sa atin ang hindi natin magagawa para sa ating mga sarili. Bumangon tayo mula sa tubig na "isang bagong nilalang"; Binibigyan Niya tayo ng kapangyarihang mabuhay ng isang "bagong buhay." 3. BAKIT BININYAGAN SI JESUS? Noong Pentekoste, sinabi ni Pedro sa mga nagnanais ng kalayaan mula sa pagkakasala na "magsisi at magpabautismo" upang mapatawad ni Kristo ang "inyong mga kasalanan" (Mga Gawa 2:38). Sapagkat si Jesus ay hindi kailanman nagkasala, bakit Niya ipinahintulot na Siya ay binyagan? "At mula sa Galilea SI JESUS AY PUMUNTA SA JORDAN UPANG MAGPABAUTISMO kay Juan . . . UPANG MATUPAD ANG LAHAT NG KATWIRAN" Mateo 3:13, 15. Si Jesus ay walang kasalanan; hindi Niya kailangang magsisi sa anumang kasalanan. Siya ay bininyagan para sa ibang kadahilanan: "upang matupad ang lahat ng kautwiran." Sa Kanyang pagkabinyag, si Jesus ay naglaan ng isang tiyak na halimbawa para sa atin na mahihina at makasalanang mga tao. Hindi niya inaanyayahan ang Kanyang mga tagasunod sa alinmang lugar na hindi Niya napuntahan. Kaya kapag ang mga tao ay inilubog sa tubig sa binyag, sila ay sumusunod sa mga hakbang ng Panginoon. "Siya na hindi nagkasala ay ginawa ng Dios na may kasalanan para sa atin, upang sa kanya tayo ay maging katuwiran ng Dios" II Korinto 5:21. Nabago sa paningin ng Dios mula sa pagiging mga makasalanan na naging mga banal, lalago tayo sa ganoong "katuwiran", at kung magkagayon mabubuhay tayo ng isang bagong buhay kay Kristo. 4. BAKIT DAPAT AKONG ILUBOG? Nang si Kristo ay binyagan, Siya ay inilubog at hindi winisikan ng tubig. Bininyagan Siya ni Juan sa Ilog ng Jordan, sapagkat "MARAMING TUBIG" doon - Juan 3:23. Nang Siya ay binyagan, Siya ay lumusong sa tubig, at "nang mabautismuhan si Jesus, kaagad Siyang UMAHON SA TUBIG" - Mateo 3:16. Kapag naunawaan natin ang tunay na kahulugan ng bautismo, makikilala natin ang tunay na anyo nito. Ang salitang "bautismo" ay nagmula sa salitang Griyego na "baptizo", na nangangahulugang ilubog [ilagay sa ilalim ng tubig]. Nang si John Wesley ay dumalaw sa Amerika noong 1737, isang lupon ng tagausig na 34 na mga lalaki ang lumitis sa kanya sa kakatwang akusasyon ng "pagtanggi na bautismuhan ang anak ni Mr. Parker, malibang siya ay ilubog. Maliwanag na ang ama ng Metodismo ay binautismuhan ang kanyang mga hikayat sa pamamaigtan ng paglubog. Ang repormador na si John Calvin ay nagpahayag: "Tiyak na ang paglulubog ay ginagawa ng matandang iglesya" - Institutes of the Christian Religion, Bk. 4, Chap. 15, Sec. 19. Ang kasaysayan ng naunang iglesya ay liniliwanag na ang bautismo ay nangangahulugan ng paglulubog. Si Dean Stanly, ng Iglesya ng England, ay sumulat: "Sa uang 13 siglo, ang pansanlibutang pagbabautismo ay yaong nabasa natin sa Bagong Tipan, na siyang kahulugan ng salitang "bautismo" - na yaong mga nabautismuhan ay inilublob, o ipinailalim sa tubig." - Christian Institutions, p. 21. Ang mga binyagan na inilulubog ang mga tao ay nasa maraming mga iglesya na itinayo sa pagitan ng ika-apat hanggang ikalabing-apat na siglo sa Europa at Asya, mga iglesyang tulad ng katedral sa Pisa, Italya, at St. John, ang pinakamalaking iglesya sa Roma. Sa
unang bahagi ng ikalabinlimang siglo, sa Konsilyo ng Ravena ay tinanggap
ng Iglesya Maraming mga tapat na Kristiyano na nagmamahal sa kinaugaliang pagbibinyag ng mga sanggol, at ang pagbibigay ng ating mga anak sa Dios mula sa pasimula ay tiyak na kapuri-puri. Gayunman, sa Biblia ay maliwanag na ang tao ay dapat munang turuan ng daan ng kaligtasan bago binyagan (Mateo 28:19, 20), na dapat siyang sumampalataya kay Jesus bago binyagan (Mga Gawa 8:35-38), at dapat siyang magsisi ng kasalanan at mapatawad sa mga ito bago mabinyagan (Mga Gawa 2:38). Ang sanggol ay hindi makasasampalataya, makapagsisisi, o makapagpapahayag ng kasalanan, na dapat mauna sa binyag. 6. BAKIT MAHALAGA NA MABINYAGAN? Ayon kay Jesus, mahalaga ang bautismo para sa mga nagnanais na pumasok sa langit: "Walang sinoman ang makapapasok sa kaharian ng Dios malibang siya ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu" Juan 3:5. Mayroon lamang isang kataliwas na ibinibigay ang Panginoong Jesus. Ang magnanakaw sa krus ay "ipinanganak ng Espiritu," bagaman hindi siya nakaalis sa krus upang ilubog sa tubig, tanda ng pagbabago ng kanyang puso. Ipinangako sa kanya ni Jesus ay siya ay makakasama Niya sa kaharian (Lukas 23:42,43). Para sa magnanakaw, ang "pagkapanganak sa tubig at Espiritu" ay kumakatawan sa nabuhos na dugo ni Jesus upang linisin siya sa kanyang mga kasalanan. Ito ang pansin ni Agustin, "Mayroong isang kaso ng pagsisisi sa banig ng kamatayan na natala, yaong nagsisising magnanakaw, upang walang sinomang mawalan ng pagasa; at tanging isa lamang, upang walang sinomang magkaroon ng sariling palagay." Si Jesus mismo ay nagbigay ng ganitong banal na babala: "Ang sinomang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan" Markos 16:16. Nang mamatay si Jesus sa ating lugar sa Kalbaryo, Siya ay gumawa ng pangmadlang pagpapakita ng Kanyang pagibig sa atin. Kailangan nating tumugon na may pangmadla, di-nahihiyang pagpapahayag ng ating pagtatalaga kay Kristo sa pmamagitan ng bautismo. Nasimulan mo na ba ang isang bagong buhay kay Kristo? Ikaw ba'y nabautismuhan na? Kung hindi pa, bakit hindi ka maghanda para sa bautismo sa nalalapit na hinaharap? 6. ANG BAUTISMO AY PASIMULA LAMANG Ang bautismo [binyag] ay kumakatawan sa ating pagtatalaga sa isang Kristiyanong paraan ng buhay. Ngunit ang ating pagsuko sa bautismo ay hindi karakarakang tumatagal nang buong buhay. Sa pagsilang ng sanggol, ang pagdiriwang ay nararapat. Pagkaraan ng pagsilang at ang pananabik ay naparam na, ang sanggol ay nangangailangan ng araw-araw na pagpapakain, araw-araw na paliligo, at araw-araw na pagmamalasakit para sa kagalingan nito. Gayundin sa bautismo. Sinabi ni Pablo ang tungkol sa kanyang karanasan, "Ako'y namamatay araw-araw" (Korinto 15:31). Sa araw-araw na pagtalikod mula sa pagka-makasarili ay lalo tayong matugunin kay Kristo. Ang sermonya ng bautismo, tulad ng kasalan, ay isang pormal na pagpapatibay na nagsimula na ang kahanga-hanga at lumalagong relasyon. Upang palagiang lumago, kailangan natin ang araw-araw na pagbibigay ng ating mga sarili kay Kristo, isang araw-araw na pagtanggap ng bagong buhay sa pamamagitan ng panalangin at pagaaral ng Biblia. 7. ISANG DAHILAN NG PAGSASAYA Ang bautismo ay dahilan ng isang dakilang pagsasaya sapagkat yaong mga sumampalataya kay Kristo ay may katiyakan ng buhay na walang hanggan. "Ang sinomang sumasampalataya at nabautismuhan ay maliligtas" (Markos 16:16). Si Jesus ay nangangako ng walang halagang kaloob ng Banal na Espiritu sa mga nabautismuhan (Mga Gawa 2:38). Kasama ng Espiritung dumarating ang "bunga ng Espiritu" - "pagibig," na pinupuno ng pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa sarili" ang buhay (Galacia 5:22, 23). Ang mabuhay si Jesus sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagbibigay ng malalim na pagkadama ng katiyakan. Sapagkat "ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo . . na tayo'y mga anak ng Dios" Mga Taga-Roma 8:15, 16). Ang tiwasay na relasyong ito sa Dios ay nagbubunga ng maraming pakinabang, ngunit hindi tinitiyak ang isang buhay na walang suliranin. Ang totoo, ang kaaway ay madalas na inihahagis ang pinakamahirap sa mga nagtalaga kay Kristo. Gayunman, kapag tayo ay nasa kamay ng Dios malalaman natin na gagamitin Niya ang lahat na nangyari sa atin, mabuti at masama, na turuan at tulunga tayong lumago (MgaTaga-Roma 8:28). Isang kabataang babae ang gumawa ng isang pasya na italaga ang kanyang buhay kay Kristo at magpabinyag, sa kabila ng babala ng kanyang asawa na siya ay ididiborsyo. Ang kanyang asawa ay walang pakialam sa kanyang bagong pananampalataya, ngunit ang babae ay nanatili kay Jesus at sinikap na maging higit na maibiging asawa kailanman. Sa pasimula ang lalaki ay ginawang lubusang mahirap ang lahat sa tahanan. Ngunit sa wakas siya ay nahikayat ng nabagong buhay ng kanyang asawa na hindi niya malabanan. Hindi nagtagal, isinuko niya ang kanyang buhay kay Kristo at nagpabinyag. Ang
pananatili kay Kristo "anuman ang mangyari" ay gagawin tayong
makapangyarihan sa Kanyang mga kamay. Maitatalaga natin ang ating mga
buhay sa Kanya na walang pasubali sapagkat ginawa na Niya ang pangwakas
na pagtatalaga sa atin nang Kanyang bayaran sa krus ang halaga ng ating
mga kasalanan. Ano ngang karapatan na ibigay natin sa Kanya sa harap
ng madla ang ating pagibig at katapatan! Kung hindi mo pa nagagawa,
bakit hindi mo isuko ang iyong buhay kay Kristo ngayon na? Hilingin
mo sa Kanya na likhaan ka ng bagong buhay sa pamamagitan ng Banal na
Espiritu, at magpabinyag kay Kristo.
©
2003 The Voice of Prophecy Radio Broadcast |
|