LIHIM SA MAKALANGIT NA KAPAHINGAHAN Ilang taon lamang ang nakakaraan may ilang paunang nagsabi na malapit na tayong magkaroon ng higit na maraming malayang panahong kaysa alam natin kung anong dapat na gawin? May mabubuting dahilan para sa mga ganoong nagtitiwalang propesiya. Sa mga lungsod ng sanlibutan ang mga kompyuter ay tinatapos sa loob ng isang bahagi ng isang saglit ang mga buwanang gawain. Ang mga robot ay nagpasimula nang pamahalaan ang nakahahapong mga gawain ng mabibigat na industriya. Ngunit pagkatapos na gumaralgal ang mga kompyuter at ang mga otomatikong kasangkapan ay mabilis na gumana, tayo'y lalong hindi na makahinga kaysa kailan man. Ang mga tao ay kinakapos ng panahon sa mga araw na ito. Higit sa lahat, ang mga pamilya ay kinukulangan ng panahon. Ang asawang babae at lalaki ay mahirap na makasumpong ng may "uring panahon" para sa mga bata, lalong lalo na para sa isa't isa. Isang pag-aaral sa isang maliit na komunidad ang nagpakita na ang karaniwang panahon bawat araw na ginugugol ng mga ama sa kanilang napakabatang mga anak na lalaki ay -37 saglit! Ang mga pamilya ay walang panahon at hindi nagkakaugnayan. Papaano tayong magpapabagal nang sapat upang muling magkaugnay? 1. ANG LUNAS PARA SA MAIGTING NA PAMUMUHAY Nauunawaan ni Jesus ang kalagayan ng mga sambahayan na nasa ilalim ng matinding suliranin at nais Niyang maunawaan natin na ang espirituwal na kapahingahan ay bahagi ng buhay na may uri. "LUMAPIT KAYO SA AKIN, kayong lahat na nanglulupaypay at lubhang nabibigatan, at KAYO'Y BIBIGYAN KO NG KAPAHINGAHAN . AT MATUTO KAYO SA AKIN, sapagkat ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso, at makakatagpo kayo ng KAPAHINGAHAN PARA SA INYONG MGA KALULUWA." Mateo 11:28, 29. Iminumungkahi ng Biblia na maranasan natin ang ganitong uri ng kapahingahan sa dalawang paraan: lumalapit kay Kristo ng kapwa araw-araw at lingguhang batayan. 2. ISANG ARAW-ARAW NA KAUGNAYAN KAY JESUS Marami ang patuloy na naghahangad ng pansin ni Jesus. Gayunman si Kristo ay nagbalita ng isang mapayapa, at panatag na espiritu sa bawat isa na nasa palibot Niya. Papaano? Siya'y naglaan ng panahon araw-araw sa pakikipagusap sa Kanyang Ama sa langit. Siya'y patuloy na umasa sa Kanyang Ama para sa mga kinakailangan upang harapin ang mga hamon sa buhay (Juan 6:57). Kung ipamumuhay natin ang tiwasay, matatag na buhay gaya ng Kanyang ginawa, dapat na patuloy tayong umasa kay Jesus-hayaang ang Kanyang Salita at Espritu ang pumuno at humubog sa atin. Ang pinakamabuting hadlang sa mga pwersa na sumusunog sa atin bilang mga tao at winawasak tayo bilang sambahayan ay maglaan ng may uring panahon na kasama ni Kristo. Sinasabi Niya sa atin: "Kayo'y MANATILI SA AKIN, at ako'y sa inyo . Sapapgkat KUNG KAYO'Y HIWALAY SA AKIN AY WALA KAYONG MAGAGAWA." Juan 15:4, 5. Isa sa pinakadakilang pangangailangan ng ating panahon ay para sa mga tao na pakinabangan ang mga espirituwal na mapagkukunan na nakalaan sa pamamagitan ng isang araw-araw na pakikiugnay kay Jesus. Isaang mahalagang kaisipan na kailangang idiin tungkol sa ating relasyon kay Kristo ay ang Kanyang natapos na gawain sa krus. Ang tunay na kapahingahan, tunay na katiwasayan, ay maaari lamang mangyari dahil sa dakilang nagampanan na tinutukoy ni Jesus nang Siya'y sumigaw habang Siya'y namamatay: "Naganap na" (Juan 19:30). Sa ibang salita, ang Kanyang gawain ng pagtubos para sa atin ay naganap. "Subalit ngayon, siya'y (Kristo) MINSANANG NAHAYAG PARA SA LAHAT PARA SA PAG-AALIS NG MGA KASALANAN sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sarili." Hebreo 9:26. Nang si Jesus ay namatay, Kanyang "inalis ng kasalanan." Kaya ang mananampalataya na ikinumpisal ang kanyang mga kasalanan ay maaaring "mamahinga" sa natapos na gawain ni Kristo. Tayo'y tinanggap. Ang pagiging maysala ay nasa likuran ng lubhang balisang takbo ng ating buhay ngayon. Ngunit nilutas ni Jesus ang suliranin ng kasalanan nang minsanan sa krus. Ang sigaw ni Jesus na, "naganap na", ay tinatakan ang Kanyang pangako na "Bibigyan Ko kayo ng kapahingahan" bilang isang nakatatag na katunayan. Tinapos ni Kristo ang gawain ng pagtubos sa atin sa Kalbaryo (Tito 2:14), pagkatapos ay nagpahinga Siya sa libingan nang buong Sabado, at muling bumangon mula sa libingan nang umaga ng Linggo bilang isang nagtagumpay sa kamatayan at kasalanan. Ang Kristiyano ay hindi magkakaroon ng higit pang katiyakan kaysa magpahinga sa natapos na gawain ni Kristo. "Tayo'y lumapit na may tapat na puso SA LUBOS NA KATIYAKAN NG PANANAMPALATAYA, Panghawakan nating matatag ang pagpapahayag ng ating pag-asa na walang pag-aalinlangan, sapagkat SIYA NA NANGAKO AY TAPAT." Hebreo 10:22, 23. Dahil Siya "na nangako ay tapat", maaari tayong pumasok sa kaligtasang-kapahingahan na ipinangako ni Jesus. Ang katatagan, kapayapaan, at kapahingahan na ating nararanasan kay Jesus araw-araw ay bunga hindi ng anuman na ating ginagawa, kundi ng Kanyang ginawa sa krus. Maaari tayong makapagpahinga kay Kristo dahil ang ating kaligtasan ay tiyak. Ang katiyakang yaon ang nagpapasigla sa atin na gumugol ng panahon na kasama si Kristo araw-araw, na kumakain ng Kanyang Salita at humihinga sa kapaligiran ng langit sa pamamagitan ng panalangin. Ang pakikipagtagpo kay Jesus ay makatutulong sa atin na baguhin ang isang maigting na buhay sa isang mapayapa at may layuning buhay. 3. ISANG LINGGUHANG UGNAYAN KAY JESUS Pagkatapos na likhain ni Kristo ang sanlibutan sa loob ng anim na araw (Colosas 1:16, 17), Siya'y naglaan ng Sabadong-kapahingahan. Ito ay lingguhang pagkakataon para sa atin na pasulungin ang ating kaugnayan sa Kanya. "Nakita ng Dios ang lahat ng kanyang nilikha at ito ay napakabuti. Nagkaroon ng gabi at nagkaroon ng umaga nang ikaanim na araw. Nayari ang langit at ang lupa at ang lahat ng mga bagay sa mga iyon. Nang ikapitong araw ay natapos ng Dios ang Kanyang ginawa, at NAGPAHINGA Siya ng ika-pitong araw mula sa lahat mg gawang Kanyang ginawa. At BINASBASAN ng Dios ang ikapitong araw at kanyang GINAWANG BANAL, sapagkat sa araw na iyon ay nagpahinga ang Dios sa lahat ng gawain na kanyang ginawa." Genesis 1:31 - 2:1-3. Bilang kanilang Manlalalang, si Jesus ay "nagpahinga" sa unang Sabado kasama ni Adan at Eba, at Kanyang "binasbasan" ang araw ng Sabado at "ginawa itong banal." Itinatag ng Dios ang isang pitong-araw na inog ng sanlinggo, hindi para sa kanyang pakinabang, kundi para kay Adan at Eba at para sa atin ngayon. Dahil Siya'y totoong nagmamalasakit para sa Kanyang bayan, pinanukala Niya na tuwing ika-pitong araw sa buong buhay nila ay dapat na nakatalaga sa paghahanap sa Kanyang pakikiharap. Bawat Sabado, ay dapat na maging isang araw para sa kaapwa pisikal na kapahingahan at espiritual na pagpapanariwa. Ang pagpasok ng kasalanan sa sanlibutan ay ginawang higit na kailangan ang kapahingahang Sabbath. Nang si Jesus ay nabubuhay pa sa lupa, sinamantala Niya ang bawat pagkakataon na panatilihin ang Kanyang pakikiisa sa Ama. Nakinabang Siya sa kapahingang Sabbath sa pamamagitan ng pagsamba kung Sabbath, tulad ng sinasabi sa atin ni Lukas: "Dumating Siya sa Nazaret na Kanyang nilakhan. Siya'y pumasok sa sinagoga NANG ARAW NG SABBATH tulad ng KANYANG NAKAUGALIAN." Lucas 4:16. Kung ang banal-na-taong si Jesus ay nangailangan ng pahinga sa harapan ng Kanyang Ama sa araw ng Sabbath, tayong mga tao ay tiyak na higit na nangangailangan. Nang alisin ni Jesus ang mga hadlang ng batas na inilagay ng mga Judio sa Sabbath (Mateo 12:1-12), Kanyang itinuro na ginawa ito ng Dios upang pakinabangan ng tao: "At sinabi niya sa kanila," Ang Sabbath ay ginawa pata sa tao, at hindi ang tao para sa Sabbath. Kaya't ang Anak ng tao ay Panginoon maging ng Sabbath." Marcos 2:27, 28. Idiniin ni Jesus ang kahalagahan ng Sabbath maging sa Kanyang kamatayan. Siya'y namatay nang Biyernes, "ang araw ng paghahanda, at ang Sabbath ay malapit nang magpasimula" (Lucas 23:54). Sa pagkakataong yaon ay Kanyang ipinahayag, "Natapos na," na ang Kanyang gawain ng pagparito sa sanlibutan at mamatay bilang kahalili para sa sangkatauhang ay nalubos na (Juan 19:30; 4:34; 5:30). Kaya upang ipagdiwang ang Kanyang natapos na gawain, si Jesus ay nagpahinga sa libingan sa buong araw ng Sabbath. Kung paanong tinapos ni Kristo ang Kanyang gawain ng paglikha noong ika-anim na araw at pagkatapos ay nagpahinga sa ika-pitong araw, gayundin sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus ay Kanyang lubos na tinapos ang Kanyang gawain ng pagtubos sa ika-anim na araw, at pagkatapos ay nagpahinga nang ika-pito. Noong Linggo nang umaga si Jesus ay lumabas mula sa libingan, isang nagtagumpay na Tagapagligtas (Lucas 24:1-7). Sinabi na Niya sa Kanyang mga alagad na panatilihin ang pakikipagtagpo sa Kanya kung Sabbath pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay. Nagsasalita tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem, halos mga 40 taon pagkaraan ng Kanyang kamatayan, Kanyang tinagubilinan sila: "Kaya't idalangin ninyo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa taglamig o sa Sabbath." Mateo 24:20. Gusto ng ating Tagapagligtas na ang Kanyang mga alagad at ang kanilang mga hikayat ay ipagpatuloy ang mga pagsasanay na Kanyang itinturo sa kanila (Juan 15:15, 16). Gusto Niyang maranasan nila kapwa ang kaligtasang-kapahingahan at kapahingahang Sabbath. Hindi nila Siya binigo. Ang mga alagad ay patuloy na nangilin ng Sabbath pagkaraan ng kamatayan ni Kristo (tingnan ang Lucas 23:54-56; Mga Gawa 13:14; 16:13; 17:2; 18:1-4). Ang alagad na si Juan ay iningatan ang kanyang lingguhang kaugnayan kay Kristo sa araw ng Sabado. Sa kanyang mga huling taon ay kanyang isinulat, "Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon" (Apokalipsis 1:10). Ayon kay Jesus, "ang araw ng Panginoon" ay ang Sabbath, "sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Sabbath," (Matero 12:8). Sa Sabbath ating ipinagdiriwang ang dalawang pinaka-dakilang nagawa alang-alang sa atin: nilikha tayo at iniligtas tayo. Ang karanasanang ito ng Sabbath ay magpapatuloy sa langit: "Sapagkat kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa na aking lilikhain ay mananatili sa harapan ko, sabi ng PANGINOON, . Mula sa isang Sabbath hanggang sa isa pang Sabbath, paroroon ang lahat ng laman upang sumamba sa harapan ko, sabi ng PANGINOON." Isaias 66:22, 23. 4. ANG MGA PAKINABANG NG KAPAHINGAHANG SABBATH Ang
mga tao ngayon ay nagtatapakan sa isa't isa sa kanilang magulong buhay.
Ang mga Tingnan natin ang ilang mga tuwirang pakinabang ng kapahingahang Sabbath: (1) Ang Sabbath ay alaala ng paglalang, at sa pamamagitan ng pag-iingat nito na banal, tayo'y nagtatayo ng ala-ala sa ating Manlalalang. Ang kanyang banal na mga oras ay nagaalok ng kahanga-hangang pagkakataon upang makaugnay ng ating mga pingmulan sa sanlibutang nilikha ng Dios. Kailan ka o ang iyong pamilya huling nagkaroon ng panahon upang lubos na magbabad sa katahimikan ng kagandahan ng isang landas sa kagubatan o sa mabatong batis? Ang Sabbath ay nagbibigay sa atin ng panahon upang gugulin na kasama si Jesus at pagmasdan ang mga sulyap ng kagandahan na Kanyang ginawa para sa atin. (2) Kung Sabbath ay nararanasan natin ang kagalakan ng pagsamba at pakikisama sa ibang mga Kristiano. Mayroong pakinabang mula sa pagpupuri sa Dios na kasama ng iba bilang isang grupo ng mga sumasamba. Ang Sabbath ay nagbibigay sa atin ng tanging panahon ng pagsasama-sama bilang isang katawan ng iglesia upang muling bigyang-buhay ang ating espirituwal na lakas. (3) Ang Sabbath ay naglalaan ng pagkakataon upang makagawa ng maalalahaning mga gawa ng kabutihan. Nagkasakit ba ang isang kapitbahay nang linggong ito na wala kang panahong dumalaw? Nang ang isang kaibigan ay nangailangan ng isang maawaing pandinig pagkatapos ng kamatayan ng kanyang asawa, ang tindi ba ng araw-araw na pamumuhay ay nagkait sa kanya ng iyong mapagmahal na pansin? Ipinapayo ni Jesus: "Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath" (Mateo 12:12). (4)
Ang Sabbath ay isang araw upang palakasin ang ugnayang-pampamilya. "Pinagpala ni Jesus ang ika-pitong araw at ginawa itong banal" na may pangako ng Kanyang pakikiharap (Genesis 2:3). Mauunawaan mo kung bakit mahalaga na ingatan ang Sabado, ang ika-pitong araw ng sanlinggo bilang Sabado dahil ito ang araw na ibinukod ni Kristo sa paglalang upang makipagtalastasan sa atin sa isang natatanging paraan. Nang likhain ni Jesus ang Sabbath waring halos ay nasa Kanyang isip ang ating lahi. Ito ang tumpak na kailangan natin sa ating kapaligiran na puno-ng-tensyon: isang araw ng tunay na paghinto mula sa anupaman. Isang araw ng pagsamba sa Dios, pakikiugnay na muli sa paglalang, at magtuon sa pakikisama sa halip na sa mga bagay. 5. ISANG PATIKIM NG MAKALANGIT NA KAPAHINGAHAN Maaari nating buuin ang mga pakinabang ng pakikiugnay kay Jesus sa pamamagitan ng araw-araw at lingguhang pakikipagtagpo sa isang salita-kapahingahan. Ang salitang "Sabbath" ay nagmula sa salitang Hebreo na nangangahulugang kapahingahan, kaya hindi nakapagtataka na tinatawag ng Kasulatan ang ika-pitong araw na "Sabbath na kapahingahan" (Levitico 23:3). "[Ang Dios] ay nagsabi ng ganito tungkol sa ika-pitong araw, 'At nagpahinga ang Dios nang ikapitong araw sa lahat ng kanyang mga gawa' . KAYA'T MAY NATITIRA PANG ISANG PAMAMAHINGANG SABBATH PARA SA BAYAN NG DIOS, Kaya't magsikap tayong pumasok sa kapahingahang iyon." Hebreo 4:4-11. Ang karanasan ng "Kapahingahang-Sabbath" ay nagbibibay sa atin ng isang lingguhang patikim ng kagalakan na ating mararanasan sa sakdal na kapahingahan sa langit. Ang kapahingahang ito'y hindi lamang panahong walang ginagawa, ito'y tumutukoy sa pagkadama ng katiwasayan, kapayapaan at kabutihan na ugat ng tunay na masaganang buhay. Ang ganitong kapahingahang espirituwal ay maaaring pahalagahan lamang sa pamamagitan ng karanasan. Ang patotoo niyaong mga nakaranas ng kaligtasang-kapahingahan at kapahingahang-Sabbath ay pambuong sanlibutan: "Kapag ikaw ay pumasok sa kapahingahan ni Jesus sa pamamagitan ng araw-araw at lingguhang kaugnayan sa Kanya, iyong matutuklasan ang pinaka-dakilang kaligayahan sa buhay." Nais mo bang pasalamatan si Jesus para sa Kanyang kaloob na kapahingahan? Nais mo bang pasalamatan Siya para sa pangako ng kaligtasang-kapahingahan bawat araw upang harapin ang mga hamon ng buhay, at para sa pangako ng kapahingahang-Sabbath bawat sanlinggo upang patibayin ang iyong relasyon sa Kanya? Kung kailan ma'y hindi mo pa nagagawa, nais mo bang tanggapin ang kaligtasang Kanyang iniaalok? Gusto mo bang sabihin sa Kanya na nais mong ingatan ang Kanyang Sabbath sa bawat sanlinggo? Nais mo bang sabihing, "Oo Panginoon! Nanais kong makasumpong ng kaluguran sa araw na Iyong itinatag." Bakit hindi mo gawin ang pagtatalagang yaon ngayon? [Maaaring
ikaw ay nagtataka: Sino ang nagbago ng Sabbath mula sa Sabado, ang ika-pitong
araw ng sanlinggo, sa Linggo, ang unang araw ng sanlinggo? Kailan ginawa
ang pagbabago? Pinahintulutan ba ng Dios ang pagbabago? Ang mga katanungang
ito ay sasagutin sa Gabay 21.]
©
2003 The Voice of Prophecy Radio Broadcast |
|