ANG LIHIM NG KALIGAYAHAN Noong
1943 ay ipinadala sa isang kampong kulungan sa lalawigan ng Shantung
sa China ng mananakop na hukbo ng Hapon ang daan-daang "mga nasyonal
na kaaway" na mga Amerikano at Europeo. Sila'y nagtiis ng mga buwan
ng pagkabagot, kabiguan, pagsisiksikan, at takot. Ang kakanyahan ng
pagkatao ay nagbabanggaan, ang mga damdamin ay sumiklab, ang maliliit
na alitan ay lumubha. 3. MGA PATNUBAY PARA SA PAMUMUHAY SA BIBLIA AT SA SAMPUNG UTOS Ang sandaling pagtingin sa Sampung Utos ay makatutulong sa atin na maunawaan kung bakit ang mga ito at ang Biblia ay mga batayang hindi dapat na mawala para sa matuwid na pamumuhay. Ang
Mga Utos ay may dalawang bahagi. Ang unang apat ay nililiwanag ang ating
relasyon sa Dios, at ang huling anim ay nagbibibay kahulugan sa ating
relasyon sa ating kapwa tao. Ang mga ito'y masusumpungan sa Exodo 20:
3-17. Ang ikatlo at ika-apat na utos ay balangkas ng ating relasyon sa pangalan ng Dios at sa Kanyang banal na araw. III.
"Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON mong Dios sa
walang Ang mga utos na ika-lima at ika-pito ay pinangangalagaan ang buklod ng pamilya. V.
"Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina
" Ang mga utos na ika-anim, ika-walo, ika-siyam, at ika-sampu ay ipinagsasanggalang tayo sa relasyong panglipunan. VI.
"Huwag kang papatay." Ang sampung utos ay nililiwanag ang ating pakikitungo sa Dios at sa ibang mga tao. Ito ang mga haliging gabay ng buhay-Kristiyano.
Isang araw habang si Jesus ay nagtuturo, isang masiglang kabataang lalaki ang nagmadaling lumapit sa Kanya at nagtanong, "Guro, anong mabuting bagay ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?" (Mateo 19:16). Nakita ni Jesus na siya'y nakikipagpunyagi sa suliranin ng pananalapi at pinayuhan siya na ipagbili ang kanyang mga tinatangkilik at "sumunod sa mga utos" (tal. 17). Ang kabataang lalaki ay nagsikap na umiwas sa pagkilala ni Kristo ng kanyang suliranin sa pagtatanong kung aling utos ang Kanyang sinasabi. Si Jesus ay nagtala ng ilan sa Sampung Utos (mga talatang 18, 19). Sa wakas ang "mayamang kabataang pinuno" ay tumalikod at umalis na nalulungkot (mga talatang 20-22). Maari niyang ayunan sa isip ang Sampung Utos, ngunit hindi niya masusunod ang espiritu ng kautusan sa pamamagitan ng pag-aalis ng kanyang makasariling paraan ng buhay. Ang Sampung Utos ay ipinakikita sa atin ang hangganan kung saan ang isang malusog na pakikisama sa Dios at sa isa't isa, ay maaring lumago. Itinuro ni Jesus na ang pagsunod ang siyang daan sa tunay na kagalakan: "Kung TINUTUPAD NINYO ANG AKING MGA UTOS, ay mananatili kayo sa aking pag-ibig, gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa Kanyang pag-ibig. Ang mga BAGAY NA ITO AY SINABI KO SA INYO upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo at ANG INYONG KAGALAKAN AY MALUBOS." Juan 15:10, 11. 5. GABAY SA ISANG MASAYANG BUHAY Ang aklat ng Eclesiastes ay isang ulat sa paghahanap ni Solomon ng kaligayahan. Kanyang itinala ang kanyang paghahanap ng kaligayahan sa mga kayamanan ng sanlibutan: magagarang mga tahanan, mabungang mga halamanan, magagandang mga hardin, at taniman ng mga saganang prutas. Pinarami niya ang mga alipin. Nasumpungan niya ang kanyang sarili na napalilibutan ng lahat na materyal na bagay na maaring naisin ng isang tao. Ngunit iniwasan siya ng kaligayahan; kanyang isinulat: "Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat na ginawa ng aking mga kamay, at ang pagpapagal na aking ginugol sa paggawa nito, at muli, lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin." Eclesiates 2:11. Bumaling si Solomon sa paghahanap sa mga kalayawan ng sanlibutan ito sa pag-asa na makakasumpong siya ng kaligayahan. Siya'y nadala ng alak, babae, at awit. Ito sa wakas ang kanyang sinabi: "Walang kabuluhan! Walang kabuluhan! Ang lahat ay walang kabuluhan!" Eclesiates 12:8. Minsan nang natikman at nakita ni Solomon na ang Panginoon ay mabuti. Sa kanyang paghahambing ng maaga niyang buhay ng pagsunod sa Dios sa kanyang walang ingat na paghabol sa kaligayahan sa mga bagay ng kasalanan, ang kanyang hatol: "Ito ang wakas ng bagay: lahat ay narinig. Matakot ka sa Dios, at sundin mo ang Kanyang mga utos; sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao." Eclesiates 12:13. Nadama ni Solomon na maari niyang masmpungan ang isang maikling daan tungo sa kaligayahan sa isang mailap na buhay. Sa pagtatapos ng kanyang buhay, siya'y naging lubos na lalaki upang aminin ang kanyang pagkakamali. Upang iligtas ang iba sa gayunding mga pagkakamali, kanyang isinulat, "Siya na nag-iingat ng kautusan, ay masaya siya." Kawikaan 29:18. 6. ANG SAMPUNG UTOS ISANG DI-MAARING MAWALANG GABAY NG BAGONG TIPAN Sa Bagong Tipan, si Santiago ay nagpatunay: "Sapagkat sinumang tumutupad sa buong kautusan, subalit lumalabag sa isa, ay nagkakasala sa lahat. Sapagkat siya na nagsasabi, huwag kang mangangalunya," ay ang nagsasabi rin, "Huwag kang papatay." Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, ngunit pumapatay ka, ikaw ay lumalabag sa kautusan. Kayat magsalita kayo at kumilos na gaya ng mga taong hahatulan sa pamamagitan ng kautusan ng kalayaan." Santiago 2:10-12. Si Charles Spurgeon, ang dakilang mangangaral na Baptist ng nakaraang daang taon, ay nagpahayag: "Ang kautusan ng Dios ay banal na kautusan-matuwid, makalangit, at sakdal Walang isang kautusan na napakarami; walang isa na kakaunti, totoong ito'y walang kahambing na ang kanyang kasakdalan ay katunayan ng kanyang kabanalan." Si John Wesley, isa sa mga nagtatag ng Iglesia Methodista ay isinulat ito tungtol sa tumatagal na likas ng kautusan: "Ang moral na kautusan na naglalaman ng Sampung Utos Hindi Niya (Kristo) inalis Ang bawat bahagi ng kautusang ito ay nananatiling ipinatutupad sa lahat ng sangkatauhan sa buong panahon." Sermons, vol. 1, pp. 221, 222. Si Billy Graham, ang pinakakagalang-galang na mangangaral na ebanghelika, ay may napakataas na pagpapahalaga sa Sampung Utos na anupa't siya'y nakasulat ng buong aklat tungkol sa kahalagahan nito sa mga Kristiyano. 7. KAPANGYARIHAN UPANG SUMUNOD Ang Biblia at ang Sampung Utos ay mga di-magbabago, hindi maaaring mawala, at sakdal na gabay sa masayang pamumuhay. Ngunit ang mga puso ay nagkakatunggali pa rin. Isang babae ang nagpahayag ng gaya nito: "Naniniwala akong ang Sampung Utos ay nananatili, ako'y nakakatiyak na ang pag-iingat nito ay aakay sa kaligayahan. Aking sinikap ang pinakamabuti na ingatan sila, ngunit hindi ko magawa, ako ay nagpapasimulang maniwala na walang sinumang maaaring makagagawa nito. Ang hilig ng likas na tao ay sikaping mabuhay ng pagsunod sa mga utos ng Dios. Ngunit sa pagtugon sa gayong pagsisikap, paulit-ulit na mula sa loob ng pinaitim na puso ng isang tao ay dumarating ang bigong kasagutan, "Hindi ko masusunod!" Bakit? Sapagkat: "Sapagkat ang kaisipan ng laman ay pagkapoot laban sa Dios; sapagkat hindi ito napasasakop sa kautusan ng Dios, at hindi nga maaari." Roma 8:7. Ano ang layunin ng Sampung Utos? "Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala sa kasalanan." Roma 3:20. Ang tungkulin ng kautusan ay akayin tayo sa ganap na pagkadama na tayo'y walang pag-asang waglit na mga makasalanan na nangangailangan ng isang Tagapagligtas. "Kaya't ang kautusan ay naging ating tagasupil hanggang sa dumating si Kristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya." Galacia 3:24. Si Jesus ang kasagutan! Minsang tayo'y nasa paanan ni Jesus sa lubos na kawalang kakayahan, sa pamamagitan ng pananampalataya maaari tayong tumanggap ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at kapangyarihan mula sa Kanya upang sumunod sa Kanyang mga utos. 8. MAPAGMAHAL NA PAGSUNOD SA SAMPUNG UTOS Sinasabi sa atin ni Jesus na ang pagsunod ay bunga ng pag-ibig: "Kung ako'y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang aking mga utos." Juan 14:15. Kung minamahal natin ang Dios, ating susundin ang unang apat na utos na nagbibigay-kahulugan sa ating pakikitungo sa Dios; at kung minamahal natin ang mga tao, ating susundin ang huling anim na nagbibgay ng kahulugan sa ating pakikitungo sa iba. Ang tao na nilalapastangan ang Sampung Utos ay nagkakasala: "Ang sinumang gumagawa ng kasalanan ay lumalabag din naman sa kautusan; at ang kasalanan ay ang paglabag sa kautusan." 1 Juan 3:4. Ngunit salamat sa Dios, mayroon tayong isang Tagapagligtas na naparito sa sanlibutan at namatay, at muling nabuhay, at ngayon ay nabubuhay para sa isang layunin: "Nalalaman ninyo na siya'y nahayag 'UPANG MAG-ALIS NG ATING MGA KASALANAN." Tal. 5. Ang ating Tagapagligtas ay nagpapatawad at nag-aalis ng ating pagkakasala. (1 Juan 1:9). Pagkatapos ay nangangako siya na ibibigay sa atin ang Kanyang pag-ibig upang umibig - ang dakilang lunas sa isang buhay ng pagiging makasarili at kasalanan: "ANG PAG-IBIG NG DIOS AY IBINUHOS SA ATING MGA PUSO sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin." Roma 5:5. Wala tayong katutubong kakayanan upang ingatan ang utos ng Dios. Ang pag-ibig ng Dios "na ibinuhos sa ating mga puso" ang siyang ating tanging pag-asa. 9. ANG BIYAYA NG DIOS AT PAGSUNOD SA KAUTUSAN Ang kaligtasan ay isang kaloob. Hindi natin maiipon ito. Matatanggap lamang natin ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Tayo'y tumatanggap ng pagaaring-ganap bilang isang kaloob, sa pamamagitan lamang ng pananampalataya dahil sa biyaya ng Dios. "Sapagkat SA BIYAYA KAYO AY NALIGTAS, sa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA - at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito'y KALOOB NG DIOS-hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki." Efeso 2:8. Hindi natin maiingatan ang mga utos sa pamamagitan ng ating sariling mga gawa - sa pamamagitan ng pagsisikap. Hindi natin maiingatan ang kautusan upang maligtas. Ngunit kapag tayo'y lumapit kay Jesus sa pananampalataya at pagpapasakop tayo ay maliligtas, ang pag-ibig Niya ang pupuno sa ating mga puso. Bunga ng banal na biyayang ito at pagtanggap, nanaisin nating sumunod sa Kanya at sundin Siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang pag-ibig sa ating mga puso (Roma 5:5). Idinidiin ng Pablo ang kawalang-saysay ng pagsisikap ng tao at ipinakikita na tayo ay wala sa ilalim ng kautusan bilang paraan ng kaligtasan, kundi sa "ilalim ng biyaya." "Ano nga? Magkakasala ba tayo, dahil tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi nasa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari!" Roma 6:15. Bakit? Sapagkat ang isang pusong pinakikilos ng pag-ibig ay nagbubunga ng isang buhay ng mapagmahal na pagsunod! (Roma 13:10). Ang ibigin si Kristo ay sumunod sa Kanya: "Siyang mayroon ng aking mga utos at tinutupad ang mga iyon ay siyang nagmamahal sa akin." Juan 14:21. Ipinakita ni Eric Liddell na, kahit na sa pinakamasamang mga pangyayari, ang mananampalataya na nakaugnay sa kapangyarihan ng Dios ay maaaring mabuhay ng nasisiyahan at masunuring buhay. Ipinakita ni Liddell ang isang umaakit na biyaya sa panahon ng tindi at takot. Ang kanyang kaugnayang may pag-ibig kay Kristo ang nagpalakas sa kanya kasama ng Banal na Espiritu, at gumawa sa Kanya na tumugon "sa mga matuwid na hinihingi ng kautusan" (Roma 8:1-4). Ang isang relasyon ng pag-ibig sa napako at muling nabuhay na Tagapagligtas ay maaaring magbunga ng gayong uri ng buhay. Natuklasan
mo na ba ang lihim na ito sa iyong sarili? Ang pag-ibig ni Jesus para
sa iyo ang naging dahilan upang ibigay Niya ang Kanyang buhay para sa
iyong kasalanan. Siya'y nag-aalok na bigyang-kapangyarihan ang lahat
mong pakikitungo sa Kanyang pag-ibig at upang "gawin niya kayong
ganap sa bawat mabuting bagay upang magawa ninyo ang kanyang kalooban"
(Hebreo 13:21). Ano ang tugon mo?
©
2003 The Voice of Prophecy Radio Broadcast |
|