GAANO KALAPIT ANG PAGBABALIK NI JESUS?

Karamihan sa atin ay mayroong katutubong simbuyo na sumilip sa hinaharap. Nais nating makita kung ano ang nasa kabila ng abot-tanaw. Ngunit ang mga tiyak na pahayag ay nananatiling labis na mailap. Mayroon tayong mahirap na sapat na panahon sa paglalahad ng kalagayan ng panahon bukas!

Mayroong Isa, na ang mga propesiya ay napatunayang walang pagkakamali.. Si Jesu-Kristo, sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ay maaaring magdala sa atin sa hinaharap; Siya'y maaasahang gabay. Sa araling ito titingnan natin kung ano ang Kanyang sinasabi tungkol sa Kanyang ikalawang pagbabalik. Pagkatapos ng lahat, sino ang maaaring makaalam ng higit pa tungkol sa katapusan ng sanlibutan kaysa sa Isa na lumalang nito sa pasimula?

1. MGA PALATANDAAN NA SI JESUS AY BABALIK SA ATING KAPANAHUNAN

Pagkatapos na tiyakin ni Jesus sa Kanyang mga alagad na Siya'y babalik sa ating sanlibutan sa ikalawang pagkakataon (Mateo 23:39), ano ang kanilang itinanong sa Kanya?

"'Sabihin mo sa amin kailan mangyayari ang mga bagay na ito at ano ang TANDA NG IYONG PAGDATING at ng katapusan ng panahon?' " -Mateo 24:3.

Si Jesus ay sumagot nang maliwanag at tiyak. Sa kapitulo 24 ng Mateo at kapitulo 21 ng Lucas Siya'y personal na nagbigay ng ilang "mga tanda," o mga katunayan, na sa pamamagitan nito ay malalaman natin na malapit na ang Kanyang pagdating. Ang ibang propesiya ng Biblia ay pumupuno sa larawan, na diniditalye ang kalagayan ng sanlibutan bago dumating si Kristo. Katulad ng ating makikita, ang mga propesiyang ito ay natutupad sa harapan ng ating paningina; sila'y nagbabadya na ang pagdating ni Kristo sa lupa ay malapit na malapit na.

Tingnan natin ang mga sampung posteng pananda ng propesiya ng Biblia sa tabi ng daang patungo sa langit, at siyasatin ang mga katanungan na maaaring itanong ng manlalakbay sa makabagong panahon sa kanyang pagbasa nito

POSTENG PANANDA 1-DALAMHATI! TAKOT! KALITUHAN!
Lampas nang labinsiyam na daang taon ang nakakaraan, si Jesus ay nagbigay ng isang propesiyang naglalarawan ng magkapanahong buhay na wari ay nagmula sa panggabing balita:

"At magkakaroon ng mga TANDA sa araw, at buwan, at mga bituin, at sa lupa'y MAGKAKAROON NG KAHIRAPAN SA MGA BANSA NA NALILITO dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong. ANG MGA TAO AY MANLULUPAYPAY DAHIL SA TAKOT AT MANGANGAMBA DAHIL SA MGA BAGAY NA DARATING SA DAIGDIG, sapagkat ang mga kapangyarihan sa mga langit ay mayayanig. PAGKATAPOS AY MAKIKITA NILA ANG ANAK NG TAO NA DUMARATING na nasa isang ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. Kapag nagsimulang mangyari ang mga bagay na ito, tumingala kayo at itaas ninyo ang inyong mga ulo, sapagkat malapit na ang katubusan ninyo." Lucas 21:25-28.

Wala nang pinakatiyak na paglalarawan ng sanlibutan ngayon na maaaring isulat kaysa: "Ang mga tao'y manlulupaypay dahil sa takot at mangangamba dahil sa mga bagay na darating sa daigdig." Ang mga nakaimbak na mga sandata ay kayang wasakin ang buong planeta. Ano kaya kung ang isang terorista ay kumuha ng isang nyuklar na panlaban sa digmaan?

Si Jesus ay nagbigay sa atin ng isang batayan ng pag-asa sa isang mapagpahamak na kapanahunan. Ang kasalukuyang krisis na pambuong sanlibutang "dalamhati at kalituhan" ay nagpapatibay sa katotohanan na ang pagparito ni Kristo ay tunay na "malapit na". Ang mga tao ngayon ay madalas na tumataghoy sa pagkabigo "Tingnan mo kung saan na nakarating ang sanlibutan!" Ngunit ang mag-aaral ng propesiya ng Biblia ay maaaring makapagbulalas na may pagasang tinig, "Tingnan ninyo kung SINO ang dumarating sa ating sanlibutan."

POSTENG PANANDA 2-MGA KAPAHAMAKAN SA SANLIBUTAN.
Paanong tutugma ang mga kapahamakan sa mga pangyayari sa huling araw?

"Magkakaroon ng malalakas na LINDOL, at sa iba't ibang dako ay magkakaroon ng KAGUTOM at mga SALOT, at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at mga dakilang tanda mula sa langit . . .Gayon din naman kayo, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, nalalaman ninyo na MALAPIT NA ANG KAHARIAN NG DIOS." Lucas 21:11, 31.

Isipin ninyo ang mga kaguton sa isang sandali. Mga larawan ng mga nagugutom na bata na may mga hupyak na tiyan ay laging nasa mga balita. Hindi ba higit na kataka-taka na ang isang sanlibutang nakapagpapadala ng tao sa buwan, ay HINDI makapagpakain ng kanyang mga tao? Nalalaman ni Jesus na ang kagutom ay magpapatuloy, na ang makasariling likas ng tao ay lalago nang higit pang masama sa pagtatapos ng kapanahunan.

Ngunit ano naman ang tungkol sa mga lindol? Sangayon sa World Almanac ng 1999, sa siglo pagkatapos ng siglo ng kapanahunanng Kristiyano mayroong nakagigimbal na pagdami ng mga malalaking lindol: ika-18 siglo 6 na malalaking paglindol, ika-19 na siglo 7, noong ika-20 siglo mahigit na 100. Kaya ang katunayan ay higit na madulang dumarami samantalang tayo ay lalong nalalapit sa ating kasalukyang kapanahunan.

Ang mga bilang na ito ay nagpapatunay ng propesiya ni Jesus. Mga kagutom at malalaking paglindol ay umaabot sa isang palakas na - "ang kaharian ng Dios ay malapit na!" Ang ating bang ika-21 siglo ay magdadala ng daan-daan pang mga malalaking paglindol, o ang pagdating ng Hari ng mga Hari?

POSTENG PANANDA 3-PAGTITIPON NG MGA KAYAMANAN.
Ano ang ibig sabihin ng kayamanang humuhugos sa mga kamay ng pakaunti nang pakaunti samantalang higit na dumarami ang nahuhulog sa paghihikahos

"Kayo'y nag-imbak ng mga kayamanan para sa huling araw." Santiago 5:3.

Sa kabila ng ating pananaw sa ekonomiya, ang mayayaman ay nagpapatuloy na yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap. Ang milyon-milyong dolyar na mga kapalaran ay isa pang posteng pananda na nagpapakita sa atin na "ang pagdating ng Panginoon ay malapit na." (talatang 8).

POSTENG PANANDA 4-KAGULUHANG PAMBAYAN.
Bakit ang kawalang kasiyahan at pagkaligalig ng mga manggagawa ay totoong naging malubha?

"Tingnan ninyo, ang sahod ng mga manggagawa na gumapas sa inyong mga bukid na inyong ipinagkakait ay umiiyak. ANG PAG-IYAK NG MGA UMANI (MANGGAGAWA) ay nakarating sa pandinig ng Panginoon ng mga hukbo. Maging matiyaga rin kayo, sapagkat ANG PAGDATING NG PANGINOON AY MALAPIT NA." Santiago 5:4, 8.

Pagkatapos na paunang ipinahayag ang di-mapapantayang pag-iimbak ng kayamanan sa ating kapanahunan, nakita ni Santiago ang di-matahimik na kalagayang sibil mula sa di-nasisiyahang mga manggagawa. Ang tensyon sa pagitan ng "mayroon" at ng mga "wala" ay nagpapatuloy na tumataas. Isa pang palatandaan na "ang Panginoon at malapit nang dumating."

POSTENG PANANDA 5-KABULUKANG MORAL.
Bakit ang hiblang moral ng lipunan ay waring patuloy na nagugutay?

"Ngunit unawain mo ito: na sa MGA HULING ARAW AY DARATING ANG MGA PANAHON NG KAPIGHATIAN. Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapanlait, suwail sa mga magulang, mga walang utang na loob, walang kabanalan, walang katutubong pag-ibig, mga walang habag, mga mapanirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mabangis, mga hindi maibigin sa mabuti, mga taksil, mga matigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Dios; na may anyo ng kabanalan, ngunit tinatanggihan ang kapangyarihan nito. . . . ANG MASASAMANG TAO AT MGA MANDARAYA AY LALONG SASAMA NANG SASAMA, sila'y mandaraya at madadaya." 2 Timoteo 3:1-5, 13.

Mayroon bang sinumang makakaisip ng isang higit na tiyak na paglalarawan ng ating sanlibutan? Ituon ang kamera sa alin mang direksyon sa kapanahunang ito at makakakuha ka ng isang larawan ng mapagmataas na materyalismo. Makakakuha ka ng isang nakagigimbal na epidemya ng pang-aabuso at panghahalay sa mga bata,. Makakakuha ka ng di mabilang na mga tanawin ng kabataan na hindi mapigilan, mga batang sa maaga nilang pagiging talubata ay pumapatay at pumipinsala nang walang patumangga. Ang lahat ng ito ay bumubuo ng hanay ng mga larawan na malakas na nagpapahayag na ang pagdating ni Jesus ay napakalapit na.

POSTENG PANANDA 6-PAGKALAT NG MGA KULTO.
Bakit tayo nakakakita ng pananabik sa mga kulto?

"Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Kristo at ang mga bulaang propeta, at magpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan, anupa't ililigaw, kung maaari, pati ang mga hirang." Mateo 24:24.

Ang mga siping ito ay paunang nagsasabi na ang panahon ng kawakasan ay magtatampok ng lahat ng uri ng mga kababalaghan at mga palatandaan, isang huwad na pagpapakita ng kahimahimala. Ang mga pangkukulam at mga panggagaway ay nakikita sa mga pagtatanghal sa telebisyon. Ang tagasunod ng Makabagong Panahon ay nasa saanmang lugar, nagbibili ng mga mahiwagang kristal at padaluyan ng mga pumanaw na espiritu. Ang mga huwad na palatandaan at kababalaghan ay dumarami. Ang lahat ng mga ito ay gumagawang higit na maliwanag gaya ng sinabi ni Jesus, tayo'y nabubuhay sa kapanahunan ng "pagdating ng Anak ng Tao" (talatang 27).

POSTENG PANANDA 7-ISANG GISING NA SANLIBUTAN.
Ano ang kahulugan ng paggising sa pansanlibutang-kamalayan ng Africa, ng Gitnang-Silangan, Silangang Europa, at ang mga bansa ng Malayong Silangan?

"PASIGLAHIN NG MGA BANSA ANG KANILANG SARILI. . . Gamitin ninyo ang karit, sapagkat ang anihin ay hinog na. . .sapagkat ang kanilang kasamaan ay napakalaki! Napakarami, napakarami ang nasa libis ng pagpapasiya! Sapagkat ANG ARAW NG PANGINOON AY MALAPIT NA sa libis ng pagpapasiya." Joel 3:12-14.

Ngayon sa mga bansa ng Asya at Africa, Silangang Europa, at ang dating Soviet Union, at Gitnang Silangan ay ating nasasaksihan marahil ang pinakamalaganap na pagkagising ng indibiduwal na mga bansa sa lahat na nakatalang kasaysayan, "sapagkat ang araw ng Panginoon ay malapit na."

POSTENG PANANDA 8-MGA PANUKALA NG KAPAYAPAAN AT
PAGHAHANDA SA DIGMAAN.

Tayo'y nabubuhay sa isang kakaibang sanlibutan. Ang lahat ay nagkakaisa na dapat nating bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan. Tayo'y nag-uusap ng kapayapaan; subalit ang nakakuyom na pagkapoot, ang ilan ay siglo na ang nakaraan, ay sumisiklab sa hayagang tunggalian. Ang mga propetang sina Mikas at Joel ay nagbigay ng propesiya na sa panahong ang mga bansa ay nag-uusap tungkol sa kapayapaan (Mikas 4:1-3), ang di-pagtitiwala sa kanilang mga kalapit-bansa ang pumipilit sa kanila na maghanda para sa digmaan (Joel 3:9-13).

Matagal nang inilarawan ng Biblia ang ating kasalukuyang mahigpit na suliranin ng kapayapaan at digmaan, at ipinahayag na ang palagiang kapayapaan ay maghahari sa lupa sa pagdating lamang ni Kristo.

POSTENG PANANDA 9-MAKABAGONG KAUNLARAN.
Bakit, pagkatapos ng mga siglo ng kasaysayan ng sangkatauhan, ang sanlibutan ay totoong pinaglapit na mabuti ng transportasyon at pakikipagtalastasan?

"HANGGANG SA PANAHON NG WAKAS, marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman a y lalago." Daniel 12:4.

Sinasabi rito ni Daniel na ang kaalaman ng kanyang propesiya ay lalago "sa" o "haggang sa panahon ng kawakasan" Ngunit ang propesiyang ito ay waring itinuturo nang tuwiran ang ating kapanahunan ng "computerized imformation." Ang lahat ng uri ng kaalaman ay lumago na simbilis ng kidlat nang mga nakaraang taon. Higit na maraming pagbabago sa nakaraang 50 taon kaysa lumipas na 2000 taon.

"MARAMI ANG TATAKBO NG PAROO'T PARITO upang lumago ang kaalaman." Bago ang 1850, ang mga tao ay kumikilos na palibot-libot sa pamamagitan ng kabayo at karuwahe na gaya ng kanilang ginagawa sa pasimula pa ng panahon. Ngayon ay nasisira natin ang hadlang sa tunog at nililibot ang daigdig sa lahat ng bagay mula sa eroplanong Concorde hanggang sa mga lansadera sa kalawakan.

Ang maraming mga paglalakbay at ang di pa natatagalang baha ng mga imbensyon ay nagbibigay ng dagdag pang katunayan na tayo'y nabubuhay sa "panahon ng kawakasan."

PANANDANG POSTE 10-ANG EBANGHELYO SA BUONG SANLIBUTAN.
Paunang sinabi ni Jesus na bago Siya dumating ang ebanghelyo ay makararating sa buong sanlibutan:

"At ang magandang balitang ito ng kaharian ay ipahahayag sa buong daigdig bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at pagkatapos ay darating ang wakas." Mateo 24:14.

Sa loob ng mga dekada halos kalahati ng sanlibutan ay nasarhan ng bakal na tabing, nasarhang malayo sa Mabuting Balita. Ngunit pagkatapos ng halos magdamag lamang ang Silangang Europa ay nakahulagpos sa kamay na bakal ng kumonismo. Ang Pader ng Berlin ay nawasak at ang makapangyarihang Imperio ng Soviet ay nagkawatak-watak. Biglang-bigla, halos ang kalahati ng planeta ay binubuksan ang kanyang mga bisig sa ebanghelyo.

Ang ebanghelyo ay tunay na nagpapatuloy sa "buong sanlibutan" nang higit kailan man. Sa pamamagitan ng satellite ang pabalitang Kristiyano ay sabay-sabay na ipinahahayag sa halos lahat ng mga bansa. Tayo'y nabubuhay sa kapanahunang sinabi ni Jesus nang Kanyang ipahayag: "At ang magandang balitang ito ng kaharian ay ipahahayag sa buong sanlibutan" at "pagkatapos ay darating ang wakas."
.
2. GAANO NA KALAPIT ANG PAGDATING NI JESUS?

Pagkatapos na ilarawan ang mga mangyayari upang makilala ang panahon bago ang ikalawa Niyang pagbabalik, binuod ni Jesus ang Kanyang pahiwatig sa pamamagitan ng pagsasabing:

"Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito." Mateo 24:34.

Ang buod ay kapansinpansin-ang henerasyon na ipinakikita ng mga panandang-posteng ito ng propesiya ay makikita ang pagbabalik ni Kristo sa lupa sa ikalawang pagkakataon. Hindi na magtatagal hanggang sa pawiin na Niyang lahat ang kasalanan at paghihirap, upang itatag ang Kanyang walang hanggang kaharian. Si Jesus ay nagbabala, "Walang sinumang nakakaalam . . . ng araw na yaon at oras" (talatang 36).

At si Jesus ay nagpatuloy:

"Kaya, maging handa rin naman kayo, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan." Mateo 24:44.

3. SI JESUS, ANG TANGING PAG-ASA NG SANLIBUTAN

Si Kristo ang huli, at pinakamabuting pag-asa ng ating sanlibutan sapagkat Siya lamang ang maaaring lumunas sa bagay na sumisira nito-ang kasalanan. Si Jesus ay namatay sa Kalbaryo upang lupigin ang masama at mailigtas ang lahat na tumutugon sa Kanyang iniaalok na kaligtasan.

"Ang patuloy na gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo; sapagkat buhat pa nang pasimula ay nagkakasala na ang diyablo. Dahil dito, nahayag ang Anak ng Dios upang wasakin ang mga gawa ng diyablo." 1 Juan 3:8.

Ang ating Tagapagligtas ay lumikha ng isang paraan para sa ating babagsak na sanlibutan sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng Kanyang sariling laman at dugo. Si Jesus din, na balang araw ay gagamot sa lahat ng karamdaman ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagpuksa sa kasalanan, ay nagaalok ngayon na pawiin ang pagkakasalang dulot ng kasalanan mula sa iyong buhay. Hindi mo kailangang hintayin ang Ikalawang Pagparito upang makasumpong ng paglaya mula sa kasalanan, at mula sa pangamba, at nakapipinsalang kaugalian. Si Jesus ay nakalaan na ibigay sa iyo ang Kanyang uri ng kapayapaan sa oras na ito.

Samantalang dumadalo sa isang pulong-panrelihiyon nadama ng isang kabataang babae ang kakaibang pagkilos sa kanya ng ipinahahayag na ebanghelyo. Nang marinig niya ang kasaysayan ng isang malapit-nang-dumadating na Tagapagligtas, ang lahat ng pira-pirasong bahagi ay nagpasimulang magkaugnay-ugnay. Ito'y nagbigay ng kahulugan. Siya'y nagpasiya na siya'y naghahanap ng pag-ibig, kaligayahan, at kapayapaan sa lahat na mga maling lugar. Si Jesus ay siyang magiging kasagutan.

Nang sumunod na araw nang siya'y dinalaw ng ebanghelista at kasama nito, kanyang ibinuhos ang kasaysayan ng isang mapait at wasak na buhay. Siya'y nasadlak sa kailaliman bilang isang maglalasing, at itinaguyod niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng prostitusyon. Pagkatapos na maipaliwanag ang kanyang suliranin siya'y humagulhol, "Tunay na kayo'y nagsasalita sa akin kagabi."

Ngunit ang tinig na naglagos sa kanyang puso ay ang tinig ng Dios. At Siya'y nangungusap na mabanayad. Kanyang ipinasiyang ibaba ang lahat. Inanyayahan niya si Kristo na pumasok sa kanyang puso bilang kanyang Tagapagligtas at Panginoon, at nanghawak sa pag-asa ng Kanyang malapit nang pagbabalik

Sa mga sumunod na linggo, nagpasimula niyang mapansin na ang kanyang mga takot at kawalan ng katiwasayan, na palagi niyang nilulunod sa pag-iinom, ngayon ay nakasumpong ng kalayaan sa kanyang paggugol ng panahon sa pakikipagusap kay Jesus. Kanyang pinasimulang iligtas siya mula sa mga pamimilit na siyang nagwawasak ng kanyang buhay.

Siya'y nakagawa ng maraming mga bagay na hindi niya maipagmamalaki. Ngunit ang biyaya at kapatawaran ni Kristo ay napatunayang higit na malakas kaysa sa kanyang kahihiyan. Ang karanasan ng magnanakaw sa krus ay lubos na makahulugan sa kanya. Sa kanyang mga huling oras na walang pagasa ay humarap siya sa katabi niyang Walang Salang Nagtitiis at hiniling, "Jesus, alalahanin mo ako kapag sumapit Ka sa Iyong kaharian" (Lucas 23:42).

Si Jesus kapagdaka'y tumugon sa pamamagitan ng pangangako sa magnanakaw ng isang lugar na kasama Siya sa paraiso (talatang 43). Ang Jesus ding yaon na mabiyayang nagalok ng kapatawaran sa mamamatay na magnanakaw na yaon, ang ngayo'y nagaalok sa iyo ng kaligtasan, ganap na kapatawaran, at kapayapaan ng pag-iisip. Tuklasin ito para sa iyong sarili ngayon.

Ikaw man ay maaaring makapanalangin kasama ng mamamatay na magnanakaw: "Jesus, alalahanin Mo ako pagdating Mo sa Iyong kaharian." At si Jesus ay tutugon, "Ako'y muling babalik, at kakasamahin Kita sa paraiso."


© 2003 The Voice of Prophecy Radio Broadcast
Los Angeles, California, U.S.A.