ANG IYONG TAHANAN SA LANGIT Nang
si Marco Polo ay bumalik sa kanyang bayan sa Venice pagkatapos ng maraming
mga taon sa Silangan, iniisip ng kanyang mga kaibigan na ang kanyang
mga paglalakbay ay nagtaboy sa kanya sa pagkabaliw. Mayroon siyang mga
di-kapanipaniwalang kasaysayan na isasalaysay. Ang mga manunulat ng Biblia na nagbigay sa atin ng mga sulyap ng langit ay waring iniaalingawngaw ang mga palagay ni Marco Polo. Sa pangitain sila'y tumingin sa isang tanawing totoong maliwanag, totoong kamanghamangha na mailalarawan lamang nila ang bahagi ng kanilang nakita. At tayo'y nahahaharap sa isang hamon, tulad ng mga kaibigan ni Marco Polo. Dapat nating ilarawan sa isip "ang mga buwaya at mga niyog" na kailan ma'y hindi natin nakita, dahil ang mga sulyap na nakukuha natin sa Biblia ay nagpapakita sa atin na ang langit ay higit pa sa nakaupo sa alapaap at tumutugtog ng alpa. 1. ANG LANGIT BA'Y ISANG TUNAY NA LUGAR? Si Jesus ay naghahanda ng isang tunay na lugar para sa atin ngayon sa isang tunay na langit. "Huwag mabagabag ang inyong puso. Sumampalataya kayo sa Dios, sumampalataya rin naman kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan. Kung hindi gayon, sinabi ko sana sa inyo. AKO'Y PAROROON UPANG IHANDA KO ANG LUGAR PARA SA INYO. At kung ako'y pumunta roon at maihanda ko ang isang lugar para sa inyo, AKO'Y BABALIK, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili, upang kung saan ako naroroon, kayo rin ay naroroon." Juan 14:1-3. Si Jesus ay paririto sa ating sanlibutan sa ikalawang pagkakataon upang dalhin tayo sa isang matibay ang pagkakagawang mansyon sa isang makalangit na lungsod na maluwalhati sa kabila ng mailap nating mga panaginip: ang Bagong Jerusalem. Pagkatapos na tayo'y tumira roon sa loob ng isang libong taon, panukala ni Kristo na dalhin ang makalangit na tahanang ito dito sa planetang Lupa. Sa pagbaba ng Bagong Jerusalem, dadalisayin ng apoy ang buong sanlibutan. Ang ating binagong planeta ay magiging palagiang tahanan ng mga banal. (Apokalipsis 20:7-15. Marami pa ang tungkol dito sa Gabay 22). Ano ang kasunod na inilalarawan ni Juan na sumulat ng Apokalipsis? "At nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa; sapagkat ang unang langit at unang lupa ay lumipas na, at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Dios, na nakahanda na gaya ng isang babaeng ikakasal na nagagayakan para sa kanyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa trono na nagsasabi, "Masdan ninyo ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao. Siya'y maninirahang kasama nila, at sila'y magiging bayan nila, at siya'y magiging Dios nila." - Apokalipsis 21:1-3. Pagkatapos ng pagbabago nito sa pamamagitan ng apoy, sino ang ipinangangako ni Jesus na maninirahan sa bagong lupa? "Mapapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang lupa." -Mateo 5:5. (Tingnan din ang Apokalipsis 21:7). Si Kristo ay nangangako na ibabalik ang Kanyang minsa'y sakdal na sanlibutan sa kanyang orihinal na kagandahang-Eden, at ang mapagpakumbaba ay "magmamana ng lupa." 2. MAGKAKAROON BA TAYO NG TUNAY NA MGA KATAWAN SA LANGIT? Nang si Jesus ay nagpakita sa Kanyang mga alagad sa Kanyang muling nabuhay at maluwalhating katawan, papaano Niya inilarawan ito? "Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, sapagkat Ako nga ito! Hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagkat ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa Akin." Lucas 24:39. Si Jesus ay may tunay na katawan; Kanyang inanyayahan si Tomas na hipuin Siya (Juan 20:27). Sa pagkakataong ito si Jesus ay lumakad sa tunay na bahay, nakipag-usap sa tunay na mga tao, at kumain ng tunay na pagkain (Lucas 24:43). Ang langit ay hindi pinaninirahan ng mga espiritu, kundi ng tunay na mga tao na nasisiyahan sa isang espirituwal na buhay, at mayroong "maluwalhating mga katawan." "Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Kristo na siyang magbabago ng ating hamak na katawan upang maging katawan ng kanyang kaluwalhatian, ayon sa kapangyarihan na kumikilos sa kanya upang maipailalim sa kanyang sarili ang lahat ng mga bagay" Filipo 3:20, 21. Tayo'y makatitiyak na ang ating mga katawan sa langit ay kasim-buo at tunay gaya ng katawan ni Kristo nang Siya'y nabuhay.. Makikilala ba natin ang ating pamilya at mga kaibigan? "Sapagkat ngayo'y malabo nating nakikita sa isang salamin, ngunit pagkatapos nito ay makikita natin nang mukhaan. Ngayo'y bahagi lamang ang nalalaman ko, ngunit pagkatapos ay lubos kong mauunawaan kung paanong ako ay lubos na nakikilala." 1 Corinto 13:12. Sa langit tayo'y "lubos na magkakakilala." Ating mauunawaan at pahahalagahan ang isa't-isa nang malalim kaysa kailan ma'y nagawa na natin sa kasalukuyang sanlibutan. Ang mga alagad ni Jesus ay nakilala Siya sa Kanyang makalangit na katawan, marahil dahil sa Kanyang kilalang-kilalang kaanyuan (Lucas 24:36-43). Nakilala Siya ni Maria sa libingan dahil sa kilalang tunog ng Kanyang tinig nang Kanyang tawagin siya sa kanyang pangalan (Juan 20:14-16). Ang dalawang alagad sa Emaus ay nakilala Siya dahil sa ilang tiyak na mga kilos. Nang kanilang mapansin kung paanong binasbasan ng kanilang panauhin ang kanilang pagkain, ay nakilala nila Siya bilang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang kilos (Lucas 24:13-35). Ang mga tinubos ay tiyak na makakaranas ng kapana-panabik na "mukhaang" pagtatagpo sa langit. Ilarawan sa isip ang kagalakan na makilala ang natatanging ngiti ng iyong asawa, o ang kilalang-kilang tawag ng anak na nagpahinga nang mahabang panahon, o ang mapagmahal na mga kilos ng ilang mga mahal na kaibigan. Magkakaroon tayo ng isang walang hanggang pagpapalalim ng pinaka-mahalagang ugnayan sa buhay at pagpapalago ng malapitang pakikipagkaibigan sa mga pinakahali-halinang mga personalidad sa sanlibutan. 3. ANO ANG ATING GAGAWIN SA LANGIT? Magkakaroon tayo ng maraming gawain na hahamon sa atin sa langit. Ano kaya kung magdisenyo ng iyong sariling pangarap na tahanan? "Sapagkat narito, Ako'y lumilikha ng mga bagong langit at bagong lupa; ..Ako'y magagalak sa Jerusalem at maliligayahan sa aking bayan ..At sila'y magtatayo ng mga bahay at kanilang titirahan ang mga yaon; at sila'y magtatanim ng ubasan at kakain ng bunga niyon ..at matagal na tatamasahin ng aking pinili ang gawa ng kanilang mga kamay." - Isaias 65:17-22. Si Jesus ay naghahanda na ng mga tahanan para sa atin sa Banal na Lungsod, sa Bagong Jerusalem (Juan14:1-3: Apokalipsis 21). Ang mga talatang ito ay nagmumungkahi rin na tayo ang guguhit at gagawa ng iba pang mga bahay - marahil ay bahay sa magandang kabukiran na inayos ang lagay ng lupa at tinamnan ng mayamang iba't ibang mga pananim ng buhay. At sino ang nakakaalam kung anong may mataas na teknolohiyang pakikipag-sapalaran ang naghihintay sa atin sa masulong na kabihasnan ng Dios? Ang kasalukuyan nating siyentipikong kaunlaran at paglalakbay sa kalawakan ay waring laro lang ng mga bata kapag tayo'y nagpasimulang magsaliksik sa "bahay ng ating Ama." Ninanais mo ba ang kagandahan ng dumadagundong na mga talon ng tubig, matahimik na kaparangan, malago at maulang kagubatan at maseselang mga bulaklak. "Sapagkat aaliwin ng PANGINOON ang Zion; . . . at gagawin niyang parang Eden ang Kanyang ilang, ang kanyang disyerto na parang halamanan ng PANGINOON. Kagalakan at kasayahan ay matatagpuan doon, at pagpapasalamat at tinig ng awit." Isaias 51:3. Babaguhin ng Dios ang lupa na gaya ng busilak na Halamanan ng Eden. Wala nang mga tulo ng langis o ulap, usok o tagtuyot; ang mga lawa ay mananatiling malinaw na kristal, ang mga punongkahoy ay mayayabong at hindi nakakalbong mga bundok. Hindi lamang ang kagandahan ng sanlibutan, kundi ang ating ding kakayahang lagumin sila ay ay lalong pasusulungin. Waring unang araw ng paglabas pagkaraan ng isang matagal na pagkakasakit At ang unang "dalawampung minuto ng katotohanan" ay magpapatuloy sa isang mahiwagang walang hanggan. Nasisiyahan
ka bang makaranas ng mga bagong bagay? Pagkatuto? Paglikha? "At hindi makapapasok ang anumang bagay na marumi, o ang sinumang gumagawa ng karumaldumal o ng kasinungalingan, kundi sila lamang na nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero." Apokalipsis 21:27. Ang Dios ay lubos na aalisin ang kasalanan at ang kakilakilabot na bunga nito; hindi na sila kailan man babalik na muli. Kapag si Jesus ay dumating, "tayo'y magiging katulad Niya" (1 Juan 3:2). Sa halip na pigilan ang mga simbuyo upang pumatay, magnakaw, magsinungaling, o manggahasa, ating ipagpapatuloy ang mga makalangit na biyaya. "At papahirin Niya (Dios) ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon pa ng kamatayan; hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man sapagkat ang unang bagay ay lumipas na." Apokalipsis 21:4. Kahit ang pangkatapusang kaaway, ang kamatayan, ay mawawala na. Sa lupain ng langit ng walang hanggang kabataan ang mga tinubos ay "walang-kamatayan (1 Corinto 15:53); walang mga naninirahan na kailan ma'y magtitiis ng pamumuksa ng katandaan. Ang langit ay hindi lamang sisira sa bunga ng kasalanan. Ilarawan kung ano ang magiging katulad ng mga buong buhay na nakikipagpunyagi sa kapansanan: "Kung magkagayo'y mamumulat ang mga mata ng bulag, at ang mga tainga ng bingi ay mabubuksan; kung magkagayo'y lulukso ang mga pilay na parang usa at ang dila ng pipi ay aawit sa kagalakan." Isaias 35:5, 6. 5. ANO ANG PINAKADAKILANG KAPANAPANABIK SA LANGIT? Ilarawan sa isip na makikita ang Panginoon ng sanlibutan nang mukhaan. "Masdan ninyo ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao. Siya'y maninirahang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Ang Dios mismo ay makakasama nila, at siya'y magiging Dios nila." Apokalipsis 21:3. Ang Makapangyarihang Dios ay nangangako na magiging kasama at tagapagturo natin. Anong kagalakan na umupo sa Kanyang paanan! Isipin kung ano ang maaaring ibigay ng isang manunugtog upang gumugol ng ilang minuto na kasama si Beethoven o si Mozart. Ilarawan sa isip kung gaano pahahalagahan ng isang physicist ang pagkakaton na makaupo na kasama si Albert Einstein, o gaano ang kahulugan para sa isang pintor ang makausap si Michaelangelo o si Rembrandt. Isipin lamang, ang mga tinubos ay magkakaroon ng isang walang hanggang higit na dakilang karapatan. Sila'y makikipag-usap sa May-akda ng lahat ng mga awitin. agham, at sining. Sila'y magkakaroon ng may palagayang-loob na pakikisama sa pinakadakilang Isipan at pinakamalalim na Puso ng sanlibutan. At ang relasyong ito ay maguumapaw sa pagsamba. "At mula sa bagong buwan hanggang sa isa pang bagong buwan, at mula sa isang Sabbath hanggang sa isa pang Sabbath, paroroon ang lahat ng laman upang sumamba sa harapan ko sabi ng PANGINOON." Isaias 66:23. Sa gitna ng lungsod sa langit ay nakatayo ang dakilang maputing trono ng Dios. Napapalibutan ng esmeraldang bahaghari, ang Kanyang mukha ay nagliliwanag gaya ng nagliliyab na araw. Sa Kanyang paanan ay isang mala-bubog na karagatan na umaabot sa lahat ng direksyon. Sa ibabaw ng kristal na nagpapakita ng kaluwalhatian ng Dios, ang mga tinubos ay nagtitipon upang ibuhos ang kanilang napakasayang pagpupuri. "At ang mga tinubos mg PANGINOON ay magbabalik at darating sa Zion na nag-aawitan; walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo; sila'y magtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kalungkutan at ang pagbubuntong-hininga ay maglalaho." Isaias 35:10. Narito ang Isa na ang kabutihan ay hindi kailanman lumiliban ng pagtibok. Ang Kanyang katapatan, pagtitiyaga at kahabagan ay nagpapatuloy. Purihin ang Kanyang banal na pangalan! 6. DAPAT NA TAYO'Y NAROROON! Kinasasabikan ni Jesus ang mukhaang pagtatagpong yaon. Kung kaya Siya'y laan na iligtas tayo mula sa kasalanan sa gayong kalaking halaga. Dapat mong personal na samantalahin ang pagkakataon sa kaloob na ito. Dapat kang gumawa ng pagtatalaga kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas. Kailangan mo ang kapatawaran na iniaalok mula sa krus, dahil: "At hindi makapapasok doon ang anumang bagay na marumi, o ang sinumang gumagawa ng karumaldumal na kasinungalingan, kundi sila lamang na nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero." Apokalipsis 21:27. Inililigtas tayo ni Jesus mula sa kasalanan, hindi sa kasalanan. Dapat tayong lumapit sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihang nasa atin at mahiwalay mula sa marumi at hindi banal. Si Jesus ang ating pasa-salita patungo sa Kanyang malapit nang dumating na kaharian. Ang kahariang yaon ay maaaring magsimula ngayon din sa iyong puso. Nang tayo'y iligtas ni Jesus mula sa kasalanan, Siya'y lumikha ng isang maliit na langit sa kalooban. Siya'y makakatulong sa atin sa pakikitungo sa pagkabalisa, galit, pita ng laman, takot, at kasalanan na sumasalot sa atin. Ang pag-asa ng langit ay hindi isang pagtakas mula sa mga suliranin ng buhay; ito'y tumutulong na lumikha ng higit pang langit sa lupa. Isang di pa natatagalang pagpili ang isinagawa na nagpakita na "yaong naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay may isang higit na masayang buhay at nagtitiwala sa mga tao nang higit kaysa doon sa hindi." Wala nang may higit pang madulang bugso sa iyong buhay ngayon kaysa sa isang nagtitiwalang pakikisama kay Jesu-Kristo. Pakinggan ang paliwanag ni Pedro sa bugso ng isang buhay na pananampalataya: "Hindi ninyo Siya nakita gayunma'y inyong inibig; bagama't ngayo'y hindi ninyo siya nakikita, gayunma'y inyong sinampalatayanan, at KAYO'Y NAGAGALAK NA MAY GALAK NA HINDI MAIPALIWANAG AT PUSPOS NG KALUWALHATIAN, na inyong tinatanggap ang bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa." 1 Pedro 1:8, 9. Ang lahat ng mga ito-at ang langit din. Natuklasan mo na ba ang uri ng masaganang buhay na nais ni Kristo na maranasan mo? Huwag mong talikdan ang Kanyang maluwalhating paanyaya. "Ang (Banal) na Espiritu at ang babaeng ikakasal ay nagsasabi, 'Halik!" ang nakikinig ay magsabi 'Halik!' At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad." Apokalipsis 22:17. Si Jesus ay kasama mo ngayon, nagsasalita sa iyong puso habang binabasa mo ito. Siya'y nag-aanyaya ng "Halika!" "Halika!" "Halika!" Hindi Siya maaaring higit pang nananabik, higit na nagpipilit. Kung hindi mo pa nagagawa ang gayon, ang sandaling ito, higit kaysa alinmang iba ang iyong pagkakataon upang tuklasin ang Kanyang alok. Bakit
hindi mo sabihin sa Kanya na iyong tinatanggap ang Kanyang mabiyayang
kaloob at nais mong gugulin ang walang hanggan na kasama Siya? Sabihin
mo sa Kanya na mahal mo Siya.. Pasalamatan mo Siya para sa lahat ng
Kanyang mga ginawa para sa iyo at sa lahat na pinapanukala pa Niya para
sa iyo. Kung mayroong mang namamagitan sa iyo at sa Dios, hilingin mo
sa Kanya na umayon kang alisin Niya iyon. Ngayon, samantalang iyong
naririnig ang Kanyang tinig, samantalang ang iyong puso ay tumutugon
pa, ibigay mo ang iyong sarili sa Kanya nang walang alinlangan. Iyuko
ang iyong ulo sa sandaling ito at sabihing, "Jesus, aking Panginoon,
ako'y lumalapit. Aking ibinibigay ang lahat ko sa Iyo. Ako'y Iyo magpakailanman!"
©
2003 The Voice of Prophecy Radio Broadcast |
|