TUNGKOL SA IYONG KINABUKASAN

Sina Dr. Patricia at Dr.David Mrazek ay nakakita ng matinding pamimighati sa kanilang gawain. Bilang mga espesyalista sa bata, kanilang gawain ay pangalagaan ang maraming mga batang nagdurusa. Ngunit sila ay nagulat sa katotohanan na ilan sa mga bata ay nagsigaling mula sa matinding kapahamakan, samantalang ang iba naman ay nilupig nito. Bakit? Bakit, halimbawa, ang isang bata ay nagugumon sa ipinagbabawal na gamot, samantalang ang iba ay nasa kolehiyo? Bakit ang ilan sa mga batang biktima ng pagsasamantala ay nagsilaki ring mapagsamantala, samantalang ang iba naman ay naging mabubuting mga magulang?

Ang mga Mrazek ay gumawa ng isang malawakang pagsusuri, (survey) upang alamin ang mga katugunan sa mga katanungang ito. Sa kanilang pag-aaral, isang nangingibabaw na katangian ang palaging lumilitaw sa lahat ng mga batang nakaligtas mula sa biglang kapansanan at nagpatuloy na magkaroon ng malulusog na buhay. Ang lihim? "Isang payak na pananaw sa buhay ng mabuting bukas at pagasa."

Ang pagasa ang naging kaibahan. Ang pagasa, higit sa lahat ng bagay, ang tumutulong sa atin upang panagumpayan ang anumang hadlang na nakasalansan laban sa atin.

Ang mga tao ay malubha ang pangangailangan ng pagasa. Nguni't paano natin itong makakamit? Ang pagasa ay napakahirap matagpuan sa ating mundo, MALIBANG tingnan natin ito mula sa pananaaw ng propesiya ng Banal na Kasulatan. Ang gabay na ito ng TUKLASIN ay sinisiyasat ang isang kamangha-manghang propesiya na nagdulot sa di mabilang na mga tao ng inspirasyon na may buhay na pagasa

1. KAMANGHA-MANGHANG PROPESIYA SA BIBLIA

Halos limang daang taon pa bago isinilang si Kristo, ang Dios ay binigyan ang sanlibutan ng isang nakasisindak na tanawain sa hinaharap sa pamamagitan ni propeta Daniel. Ang Dios ay naglahad ng isang balangkas ng kasaysayan ng sanlibutan na una ng 2,500 taon mula sa panahon ni Daniel hanggang sa ating sariling kaarawan.

Ang propesiyang ito ay nagsimula sa isang panaginip na ibinigay ng Dios kay haring Nebuchadnezzar, ang hari ng Babilonya, 2,500 taon na ang nakaaraan. Ang panaginip ay totoong gumambala sa hari, ngunit hindi niya maalaala ang panaginip nang siya ay magising! Pagkatapos na ang lahat ng matatalino mula sa Babilonya ay nabigong maipaalaala sa hari ang nalimutang panaginip at ipaliwanag yaon, isang bihag na kabataang Hebreo na ang pangalan ay Daniel ang dumating at nagsabi na ang Dios sa langit ay maipapahayag ang lahat na lihim. Si Daniel ay matatag na tumayo sa harapan ng hari. at nagsabi:

"Ikaw, Oh hari, nakakita at narito, ang ISANG MALAKING LARAWAN - isang malaking larawan. Ang larawang ito ay makapangyarihan, at ang kanyang kakinangan ay mainam at tumayo sa harap mo, at ang anyo nito ay kakilakilabot.

"Ang kanyang ulo ay dalisay na ginto, ang kanyang dibdib at ang kanyang mga bisig ay pilak, at ang kanyang tiyan at ang kanyang mga hita ay tanso. Ang kanyang mga binti ay bakal, ang kanyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at ang isang bahagi ay putik na luto.

"Hanggang sa may natibag na isang bato hindi ng mga kamay, na tumama sa kanyang mga paang bakal at putik na luto, at ang mga yao'y binasag.

"Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, ang ginto ay nagkaputol-putol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan; ngunit ANG BATO NA TUMAMA SA LARAWAN ay naging malaking bundok, at PINUNO ANG BUONG LUPA." Daniel 2:31-35.

Ang larawang ito, sa unang tingin, ay tila may bahagyang kinalaman lamang sa paghanap ng pagasa sa kasalukuyang panahon, subali't maghintay ka.

2. IPINALIWANAG ANG PROPESIYA

Matapos sabihin sa humahangang si Nehuchadnezzar ang tiyak na nakita niya sa panaginip, si propeta Daniel ay nagpaliwanag:

"Ito ang panaginip, ngayo'y aming sasabihin sa hari ang kahulugan nito" - Daniel 2:36.

"Ito ang panginip : at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng ANG ULONG GINTO: Anong pansanlibutang kapangyarihan ang sinabi ni Daniel sa hari na kumakatawan sa ulong ginto?

"Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na binigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian . . . IKAW ANG ULONG GINTO" Daniel 2:37, 38.

Sinabi ni Daniel sa pinuno ng pinakamakapangyarihang imperyo ng sanlibutan: "Nabukodonosor, sinasabi sa iyo ng Dios na ang iyong imperyo, ang Babilonya, ay kinakatawanan ng ulong ginto ng malaking larawan."

ANG BIBDIB AT BRASONG PILAK: Mula sa pananaw ng tao ang Babilonya ay parang isang kaharian na maghahari magpakailan man. Nguni't ano ang sinasabi ng propesiya na susunod na mangyayari?

"At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mas mababa sa iyo." Tal. 39.

Bilang katuparan ng propesiya ng Dios, ang kaharian ni Nebuchadnezzar ay bumagsak at nawasak noong si Ciro na heneral ng Persia ay sinakop at giniba ang imperyo ng Babilonya noong 539 B.C. Kaya ang dibdib at ang brasong pilak ay kumakatawan sa Medo-Persia, isa ring makapangyarihang kaharian.

ANG TIYAN AT MGA HITANG TANSO: Ano ang sinasagisagan ng bahaging ito ng malaking larawang bakal?

"At mayroong pang ikatlong kahariang tanso na magpupuno sa buong lupa." Tal. 39.

Ang tiyan at ang mga hitang tanso ng larawan ay kumakatawan sa kaharian ng Grecia. Si Alejandrong Dakila ang sumakop sa Medes at Persyano at ginawa na ikatlong pinakadakilang kaharian ang Grecia sa buong mundo. Naghari ang Grecia mula 331-168 BC.

ANG MGA BINTING BAKAL:
"At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, sapagkat ang bakal ay nakadudurog at nakakawasak ng lahat ng bagay, at gaya ng bakal na nakakadurog, kanyang dudurugin at babasagin ang lahat ng iba." Tal. 40.

Nang mamatay si Alejandrong Dakila, ay humina ang kanyang kaharian at nahati sa dalawang magkalabang pangkat hanggang noong 168 BC nang wasakin ng "Kahariang Bakal" ng Roma ang Grecia sa digmaan ng Pydna. ,.

Si Caesar Augustus ang namuno sa kaharian ng Roma noong si Jesus ay isinilang may dalawang libong taon na ang nakalilipas. (Lukas 2:1) Si Kristo at ang Kanyang mga alagad ay nabuhay sa panahong kinakatawanan ng mga binting bakal. Walang alinlangang nasa isip ni Gibbon, ang ika-18 siglong mananalaysay, ang propesiya ni Daniel nang kanyang isulat: "Ang mga larawang ginto, o pilak, o tanso, na maaaring kumatawan sa mga bansa at kanilang mga hari ay sunod-sunod na dinurog ng kahariang bakal ng Roma". - Edward Gibbon, The History of the Decline and Fall of the Roman Empire ( John D. Morris and Company), vol. 4, p, 89.

Sumandaling isipin ang mga propesiyang ito mula sa pananaw ng tao. Paanong magkakaroon si Daniel, na nabubuhay sa panahon ng Babilonya, ng anumang ideya kung gaano karaming mga kaharian ang magpalit-palitan sa isa't-isa daang taon pa sa hinaharap? Nahihirapan tayong ilarawan ang kalagayan ng ating pangangalakal kung ano ang mangyayari sa susunod na linggo! Subali't ang Babilonya, ang Medo-Persia, ang Grecia at ang Roma ay nagkasunod-sunod ayon sa propesiya - tulad ng mga masunuring magaaral na bata sa isang pila.

Ang Dios ba ang nangangasiwa ng kinabukasan? Makaaasa ba tayo sa Kanyang panukala? Ang kasagutan ay umaalingawngaw na, Oo makakaasa tayo!

ANG MGA PAA AT DALIRING BAKAL NA MAY KAHALONG PUTIK: Mayroon bang ikalimang pansanlibutang kapangyarihan na susunod sa Roma?

"At kung paanong iyong nakita na ang mga paa at mga daliri ay may mga bahaging putik na luto at may bahaging bakal, ay MAGIGING KAHARIANG HATI; nguni't yaon ay magkakaroon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahalo sa putik na luto. At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian, na ang isang bahagi ay matibay at ang isang bahagi ay marupok." - Daniel 2:41, 42.

Ang inihayag ng propeta ay hindi ika-limang pansanglibutang kaharian, kundi isang bahagi ng kahariang bakal ng Roma. Ang Roma ay mahahati sa sampung kaharian na kinakatawan ng mga paa at daliri ng larawan.

Ito ba ay totoong nangyari? Oo, ito ay tototong nangyari. Noong ika-apat at ika-limang siglo ng panahong Kristiyano, ang mga barbaro mula sa hilaga ay lumusob sa na noon ay nawawasak nang kaharian ng Roma. Sa wakas, sampung tribo ang sumakop sa kalakhang bahagi ng Kanluraning Roma, at sampung distrito, malalayang bansa na itinatag ang kanilang mga sarili sa loob ng hangganan ng Europa. Sa gayon ang mga daliri ay kumakatawan sa makabagong bansa ng Europa ngayon.

3. ANG ATING KAPANAHUNAN SA PROPESIYA NG BIBLIA

Ang propesiya ba ni Daniel ay nagsasad na may pagsisikap na gagawin upang pagkaisahin ang mga bansang ito ng Europa sa ilalim ng isang pinuno?

"At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi NG MGA TAO; nguni't HINDI SILA MAGKAKALAKIPAN, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik" - Daniel 2:43.

Muli at muli, mga makapangyarihang lalaki ang nagtangkang pagkaisahin ang Europa, nguni't lagi silang bigo sa kanilang mga hangarin. Tanging si Napoleon ang halos ay napagkaisa ang hating kaharian ng Europa, ngunit marahil ay iniisip niya ang propesiyang ito sa kanyang pagtakas mula sa labanan ng Waterloo, ay sumigaw siya, "Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay totoong labis para sa akin!"

Sina Kaiser Wilhelm II at si Adolf Hitler ay lumikha ng pinakamakapangyaring sandatahang lakas noong kanilang kapanahunan. Ngunit bawa't isa ay nabigong pagkaisahin ang Europa sa ilalim ng kanilang pamumuno. Bakit? Sapagka't ang Salita ng Dios ay nasa panganib. "Ang mga tao ay magkahalo at hindi mananatiling nagkakaisa." Ang bunga ng dalawang pandaigdig na digmaan ay nagpapatunay na ang ating hinaharap ay nakasalalay sa mga kamay ng Dios; Siya sa wakas ang nangangasiwa. Yaon ay tiyak na sapat na upang bigyan tayo ng pagasa, katiwasayan ng isipan, at pagtitiwala sa Kanyang panukala para sa ating mga buhay.

SAMPUNG MGA DALIRI - SAMPUNG PANGUNAHING TRIBO
SA KANLURANG IMPERYO NG ROMA

Anglo-Saxons Inglatiera
Franks Francia
Alamani Alemanya
Lombards Italya
Ostrogoths (nawasak sa dakong huli)
Visigoths Espana
Burgundians Switzerland
Vandals Hilagang Africa, nawasak sa wakas
Suevi Portugal)
Heruli Nawala pagkalipas ng ilang siglo

4. ISANG PAGTANAW SA HINAHARAP

Isang bahagi na lamang ng propesyia ni Daniel ang hindi pa natutupad. Ano ang kahulugan ng isang bato na tumama sa mga paa ng larawan, at dinurog ito na parang pulbos, at naging isang napakalaking bundok na pumuno sa buong lupa?

"SA PANAHON NG MGA HARING YAON, ANG DIOS NG LANGIT AY MAGTATAYO NG ISANG KAHARIAN na hindi magigiba kailanman, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan, kundi dudurugin nito ang mga kahariang yaon at dadalhin sila sa isang wakas, NGUNIT ITO'Y MANANATILI MAGPAKAILANMAN." Daniel 2:44.

Ang "mga haring yaon" ay maaring tumutuko'y lamang sa mga hari na kinakatawanan ng mga paa at mga daliri ng larawan, ang mga namumuno sa makabagong Europa na tumukoy sa ating kapanahunan.. Ang bato na natibag, hindi ng mga kamay ay tatama sa larawan at dudurugin ito nang pinong-pino, at pupunuin nito ang buong lupa, (talatang 34, 35, 45). Malapit nang bumaba si Jesus mula sa mga langit upang "magtayo ng isang kaharian," ang Kanyang kaharian ng kaligayahan at kapayapaan. At pagkatapos, si Kristo, ang Bato ng mga Panahon, at Hari ng mga Hari, ay mamumuno sa buong mundo magpakailan man!

Ang lahat na pahayag ng Daniel 2 ay nangatupad na, maliban sa isang huling mangyayari - ang pagtama ng bato sa larawan. Sangayon sa orasan ng Dios, tayo ay nalalapit na sa isang malaganap na kasukdulan ng mundo, ang pagdating ni Kristo sa mundong ito. Si Jesu-Kristo ang anak ng Dios ay malapit nang tapusin ang napakahaba, madugong pakikipaglaban ng kasaysayan ng tao at itatatag ang Kanyang walang hanggang kaharian ng pagibig at biyaya.

5. ANG PANAGINIP NG HARI AT IKAW

Ang propesiyang ito ay nagpapahayag na ang kamay ng Dios ang pumapatnubay sa pagbangon at pagbagsak ng mga bansa. Alam ng Dios ang nakaraan at ang propesiyang ito ng Biblia ay nagpapatotoo na alam Niya maging ang hinaharap.

Kung ang Dios ang pumapatnubay sa galaw ng mga bansa na may katiyakan, tunay na mapapatnubayan Niya ang buhay ng bawat isa sa atin. Tiniyak ni Jesus sa atin, "Maging ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang na lahat. Kaya huwag kayong matakot" (Mateo 10:30-31). Ang kaloob ng Dios na pananampalataya ay maaaring lunas sa lahat ng ating mga alalahanin at takot. Ang pagasang Kanyang pinasisigla ay maaring maging sinipete ng ating mga kaluluwa" (Hebreo 6:19).

Ang ika-labing anim na siglong iskolar na si Erasmus ay nagpahayag ng isang pangyayari sa kanyang paglalakbay sa dagat sa hindi niya malimutan sa buong buhay niya. Ang kanyang sinasakyanng barko ay napasadsad sa isang bagyo. Habang hinahampas ng malalakas na alon ang barko at ito ay nagpasimulang masira, maging ang mga magdaragat ay nangamba. Higit na nangasindak ang mga pasahero. Marami ang sumigaw na humihingi ng tulong sa kanilang mga santo, umawit ng mga imno, o malakas na namanhik sa pananalangin.

Napansin ni Erasmus ang isang manlalakbay na kakaiba sa lahat. "Sa aming lahat" ayon sa sulat ni Erasmus, "ang tanging nanatiling pinakatahimik ay isang kabataang babae na nag-aalaga ng kanyang sanggol. Siya lamang ang tanging hindi sumigaw, umiyak o nakipagtawaran sa Langit. Wala siyang ginawa kundi tahimik na manalangin samatalang hawak na mahigpit ang kanyang sanggol sa kanyang kandungan."

Ang panalanging ito, ayon kay Erasmus, ay karugtong lamang ng kanyang buhay na mapanalanginin. Tila ipinagkatiwala niya ang kanyang sarili sa Dios.

Samantalang lumulubog ang barko ang babaing ito ay inilagay sa isang tablang makapal at binigyan ng magagamit bilang sagwan at isinulong sa mga alon.. Hinawakan niya ng isang kamay ang kanyang sanggol at sinikap na sumagwan ng kabila. Iilan lamang ang nagakala na makaliligtas siya sa bumabayong daluyong ng dagat.

Nguni't ang kanyang pananampalataya at ang tibay ng kalooban ang nagligtas sa kanya. Ang babae at ang kanyang sanggol ang unang nakarating sa baybayin.

Ang pagasa sa isang mapagkakatiwalaang Dios ang tanging makagagawa ng pagkakaiba, - kahit na ang ating mundo ay tila mawawasak na. Wala tayo roon na sumasagwan sa ating sarili. Isang makapangyarihang kamay ang gumagabay at humahawak sa atin..

Kung nais mong lumapit kay Kristo na may buong pagpapasakop, bibigyan ka Niya ng isang pananampalatayang sasagupa sa lahat ng bagyo ng buhay. Tuklasin mo ngayon ang dakilang kapayaan na pangako ni Jesus:

"Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo . . . Huwag magulimihanan ang inyong puso ni matakot man." Juan 14:27.

Mayroon ka ba ng ganoong kapayapaan? Kung mayroon, pasalamatan mo si Jesus, ang iyong Tagapagligtas. Kung wala pa, bakit hindi mo Siya anyayahan sa iyong buhay ngayon?

 

© 2003 The Voice of Prophecy Radio Broadcast
Los Angeles, California, U.S.A.